Everyday歌词由ELBIZ演唱,出自专辑《Everyday》,下面是《Everyday》完整版歌词!
Everyday歌词完整版
Mainit sa jeep, makiki-siksik
Ang bungad sa umaga pagkatapos ng maiksing idlip
araw-araw to mula no'n, ngayon pangatlong taon
Kasing edad na rin ng suot kong pantalong maong
Makiki-sindi, makiki-hithit
makiki-sama sa mga katrabaho na may lihim na inggit
kung meron lang sana 'kong choice ay ginawa ko na 'yon
ngunit tila mailap sa tulad ko ang pagkakataon
Kayod kabayo na ang tao kakahabol ng Bills niya
Sahod, di pa nasilip payslip, yung pay nag-slip na
sobrang stress na, ang peslak mukha ng myembro ng slipknot
maka-abot lang sa quota, di natulog, SLEEP NOT
double meaning, double job yata dapat karerin
Ang buhay ay parang EDSA, di ka patatawirin
kung ika'y tatamad-tamad at babagal-bagal
Kung di ka magiging mautak tyak ikaw ay aapihin
ng sistema
Buhay ay i-celebrate
may pag-subok man everyday
hangga't naman humihinga at bumabangon pa
makakaraos anyway
Buhay ay i-celebrate
isipin lang na everyday
may bagong pag-asa pa, kaya lumaban ka
makaka-ahon anyway
Imbis humikbi, magpaka-VICTIM
sarili ay sisihin at isipin na wala kang silbi
para may magbago sa kinalalagyang sitwasyon
wag problemahin ang problema, problemahin ang solusyon
Kung naiinis, minsan mag-timpi
aralin din na may mga panahon na kailangan mong humindi
wag kang basta magpapadala lang sayong emosyon
ikaw magdala, dapat ikaw ang nagko-control nun
Lagi mong tatandaan hangga't buhay ka walang FOREVER
e'rthing happens for a reason, not for worse but for better
Challenges are blessing in disguise to get you stronger and more clever
so just keep going, never give up, keep the faith, NEVER Surrender
Kung bad day ka ngayon, Tomorrow's another day
it seems impossible but trust that GOD will make a way
wag mabahala, SIYA bahala, kung plano mo di pa nagana
mas maganda pa na tadhana ang naka-abang, just wait and pray
Buhay ay i-celebrate
may pag-subok man everyday
hangga't naman humihinga at bumabangon pa
makakaraos anyway
Buhay ay i-celebrate
isipin lang na everyday
may bagong pag-asa pa, kaya lumaban ka
makaka-ahon anyway
sana'y laging maalala
sa mga panahong parang wala na
na meron kang makakasama, tuminga ka lang
Siya ay naka-abang na alalayan ka
sa araw-araw dahil sa Mahal Ka Niya
Buhay ay i-celebrate
may pag-subok man everyday
hangga't naman humihinga at bumabangon pa
makakaraos anyway
Buhay ay i-celebrate
isipin lang na everyday
may bagong pag-asa pa, kaya lumaban ka
makaka-ahon anyway
Buhay ay i-celebrate
may pag-subok man everyday
hangga't naman humihinga at bumabangon pa
makakaraos anyway
Buhay ay i-celebrate
isipin lang na everyday
may bagong pag-asa pa, kaya lumaban ka
makaka-ahon anyway