K S歌词由El Cide演唱,出自专辑《K S》,下面是《K S》完整版歌词!
K S歌词完整版
el cide (1st verse)
Kamusta ka na jan sarili ko
Tagal mo naring lumalaban at naririto
Ano na ba yung plano, ganun parin ba tayo
Patuloy paring tataya hanggang maipanalo
Naaalala dati , kapusukan sa kalye
Mabuti at nalusutan ilang beses nadale
Mga aral na napulot na hindi sa klase
Kung panung sungay at ang puso ay maibalanse
Kahit paano malayu layu narin binyahe
Naumay narin sa sagad di na katulad dati
Oo nahanap yung sangkap sa buhay na balanse
Yung Makibagay na kesa magpaka ibang klase
Ang dami mong nilagpasang katapusan na sana
Di na bale di na mag aaksaya ng tyansa
Ang dami ding karanasang mapait sa panlasa
Ilang beses ding tinggap yung mga di mo kaya
Pero patuloy ka paren at di umaayaw
Sa mundong tila de kahon ang hirap ding makagalaw
Mga pangarap mo na di mo lang tinatanaw
Malaks man ang alon at patuloy kang sinasayaw
Di man yan ang pinangarap mong mundo
Pero patuloy mong hinanap ang magiging ako
Daming nagbago may mga bagay na di na buo
Pero nakaya mo paring harapin ang totoo
El cide (chorus)
Dami man jan na pagsubok na pilit kang binabago
Pero alam mo na sa dulo mga dapat ipanalo
Ituloy mo lang men kung saan ka man nyan dalhin
Andito lang ako , sa harap ng iyong salamin
Danas mo na kaya alam mo na kung paano dalhin
Oo alam mo na kaya di na kaya gapiin
Sige tuloy mo lang men
el cide (2nd verse)
Kamusta ka na jan sarili ko
Tagal mo naring lumalaban at naririto
Ang dami ng ngyare oo kahit papaano
Ang dami ng kasale sa mundo mong binabago
Kung madapa ka man alam mo na yan
Di yan bago sige bangon lang ganun lang naman
Ang daming hamon sige lang palagan
Tagal mo narin na tinalo yang pag aalangan
Tuloy mo lang yan kung jan mo dama yung pagibig
Kahit papaano may sukli na sa iyong simpleng hilig
Dating nilalasap mo lang bawat panaginip
Nagdamot man ang tadhana nagawa mo na mapilit
Kase ganun ka paren, kulit mo di nagbago
Kung anung gustohen di pwedeng di mo ipanalo
Kung meron pang dumating para sayo nalang balato
Nagawa mo nang pasayahin pusong dating sarado
Alam ko na malayu layu pa tayo
Pero malayu na sa dati buti nakapa ko
Kung di ka nagbakasakali na mabago
Nagawang kumbinsihin ang iyong sarili mapaamo
Basta ngayon sundan mo lang kung saan ka masaya
Tapos na sa kompitisyong walang mapapala
Basta ngayon sundan mo lang kung saan ka masaya
Sundan mo lang tadhana kung saan ka man dinadala
El cide (chorus)
Dami man jan na pagsubok na pilit kang binabago
Pero alam mo na sa dulo mga dapat ipanalo
Ituloy mo lang men kung saan ka man nyan dalhin
Andito lang ako , sa harap ng iyong salamin
Danas mo na kaya alam mo na kung paano dalhin
Oo alam mo na kaya di na kaya gapiin
Sige tuloy mo lang men