Naghihintay (Explicit)歌词由Still One演唱,出自专辑《Naghihintay (Explicit)》,下面是《Naghihintay (Explicit)》完整版歌词!
Naghihintay (Explicit)歌词完整版
Naghihintay (Explicit) - Still One
Lyrics by:Ace Escalante
Composed by:Ace Escalante
Isang babaeng itinuring kong asawa
Kahit hindi kami kasal ay nagpasya
Na kaming magsama at mabuhay
Sa pamamagitan ng pagkanta
Kahit hindi sapat ang kinikita naming halaga
Kaya kami ay nagpasya na manirahan sa maynila
Dahil kailangan namin nang mas malaking kita
Nagtiis kami umupa sa mainit na lugar
Dahil yun lang ang kaya namin perang napundar
Tumagal ang ilang araw halos isang buwan
Napapansin ko ang hirap ay hindi mo na matagalan
Kaya nung minsan may nag-alok sayo mangibang bayan
Para sa ating pangarap hindi kana nag-alinlangan
Lahat ginawa mo upang ikay payagan ko
Nagtiwala ako sa sinabi mong
Hayaan mo isang taon lang ako doon
Hindi ako magtatagal at pagbalik ko
Pangako ko tayoy magpapakasal
Kung nasaan ka man lagi mong tandaan
Na may naghihintay sayo at umaasa
At kung hindi kana magbabalik kahit gano kasakit
Ay pipilitin kong kalimutan ka kahit mahal kita
Sa sobrang pangungulila ako ay nanghihina
Dahil sa chat at sa cam nalang tayo nagkikita
Hanggang sa ang ating communication naging madalang
At tumagal pa nga sakin ikaw laging wala ng paramdam
Ganun pa man ay ginawa ko ang lahat
Akoy nagsikap upang sayo ay hindi maging pabigat
Di ko namalayan na tatlong taon na ang dumaan
Kaya ako ay nagpasya na sa Japan ikay sundan
Upang tulungan ka sa pag abot ng ating pangarap
At sa akin pagdating ikaw ang una kong hinanap
Agad ako nagtungo kung san nagtatrabaho
Nung makita kita ang laki ng iyong pinagbago
Niyakap kita wala akong oras na inaksaya
Ngunit ramdam ko na para bang hindi ka masaya
Laking gulat ng aking kamay iyong tinabing
At sinabing pagibig koy sa iba nalang ibaling
Kung nasaan ka man lagi mong tandaan
Na may naghihintay sayo at umaasa
At kung hindi kana magbabalik kahit gano kasakit
Ay pipilitin kong kalimutan ka kahit mahal kita
Walang awa mo akong pinagtabuyan
Matapos mo akong paasahin sa wala
Ngayon ay papayuhan mo ako
Na tanggapin nalang na di talaga tayo
Kahit anong gawin ko ay hindi na magbabago
Ang iyong isip dahil nakamit mo na ang yong pangarap
Kaya di ka natuwa na ikaw ay aking hinanap
Para sa kayamanan akoy iyong pinabayaan
At iyong pinagpalit sa isang matandang mayaman
Dinamdam ko ang iyong pagpapaasa
Habang akoy labis na nagdurusa
Ikay nagpapakasasa ginawa kong inspirasyon ang nangyari
Upang magsipag baka sakali sa aking pagyaman ikay mabawi
Luha ay aking hinawi naglakad papalayo
Habang sinasabing sanay maging masaya kayo
Sa pagsara mo ng pinto sabay pagbagsak ng luha
Hanggang kailan ba ako masasaktan at magdurusa
Ganun kadale
Dimo ba nakikita Benjo maginhawa ng buhay ko
Makukuha ko na mga gusto ko natupad ko na mga pangarap ko
Hindi pa ba maliwanag sayo yon ayoko na bumalik
Sa masikip at mainit na lugar natin sa pilipinas
Ayoko na makaranas ng kahirapan ayoko na Benjo kaya please umalis kana
Hindi ako aalis cherry
Umalis kana
Hindi ako aalis hanggat hindi kita kasama
Ayoko na sayo
At sa aking ilang taon pag tatrabaho sa Japan
Kahit gano kahirap ay kinaya kong pag tiyagaan
Dahil sa kasagutan ko ikay bawiin
Hindi ko inasahang may darating
Upang ang lungkot koy pawiin
Isang babaeng na hindi umalis saking tabi
Nung mga panahong binabalot ako ng pighati
Mabigat man ang loob ko nagawang niyang pagaanin
Kaya di nagtagal syay aking natutunan mahalin
At lumipas ang ilang taon habang kami ay nagtatagal
Ay nagpasya na kaming dalawa na magpakasal
Kami ay naging masaya wala na akong mahihiling
Ngunit di ko inasahan ang iyong biglang pagdating
Ikay umiyak at sakin nagmamakaawa
At sinabi hiwalay na kayo ng iyong asawa
Kala mo sayong pagbalik akoy natutuwa
Lakas pa ng loob mong sabihin ikay mahal ko pa
Kahit na konti sakin hoy wala na kong drama
Natuto nako matapos mo akong gawing tanga
Di moko madadaan sa mga pagluha mo
Hindi lahatna wala gusto mako ugamo
Umalis kana wala na tayo dapat pag usapan
Naghilom na ang puso kong lubha mong nasugatan
Wala akong magawa gustuhin ko man maawa
Pero kailangan nating gawin kung ano ang tama
Ayokong masaktan ang asawa ko
Habang may panahon pa
Itama natin mga pagkakamali natin
Umiiyak at pano ako Benjo mahal kita
Kailan mo ba ako mapapatawad
Sa minsan pagkakamali nagawa ko sayo
Please naman oh idilat mo nga mata sa katotohanan
May asawa't anak nako
Hindi nako yun karapat dapat na lalake para sayo
Maganda pa hinaharap mo Cherry wag mong ikulong sarili
Sa pagmamahal sa isang taong may pamilya na
Umiiyak hindi naman ako naghahangad na higit pa sayo
E Benjo eh ikaw lang ang gusto ko akin ka dapat e
Ako dapat ang asawa mo tayo dapat yong may masayang pamilya
Mahal ko si nerma cherry at ang pamilya ko
Ang pinaka importante sa buhay ko ngayon
Sana sapat na dahilan yun para tumigil kana
I'm sorry for everything Cherry
Pero wala ka ng babalikan pa
Kung nasaan ka man lagi mong tandaan
Na may naghihintay sayo at umaasa
At kung hindi kana magbabalik kung gano kasakit
Ay pipilitin kong kalimutan ka kahit mahal kita