Sa Duyan ng Bayan歌词由Noel Cabangon&Ebe Dancel演唱,出自专辑《Sa Duyan ng Bayan》,下面是《Sa Duyan ng Bayan》完整版歌词!
Sa Duyan ng Bayan歌词完整版
Papaano mo ba malalaman
kung ang katuwiran ng 'yong hangarin
ay ang wasto at tapat?
Hanapin mo sa pag-aninaw
Papaano mo nga ba mahaharap
ang pangyayaring maaaring
magbigay pahamak?
Hindi mo kaya nang mag-isa
Hahayaan mo bang tumuloy-tuloy
ang paulit-ulit na pasisiil?
Oras na para alintanahin
Baka nama'y iba ang 'yong karanasan
Ngunit nandito ka at kapwa nitong bayan
Makisama at pagnilay-nilayan
Balikan ang dapat tandaan
Sindihan!
Ang 'yong paniniwala't paninindigan
Sindihan!
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan
Sindihan mo ang pananampalataya
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.
Papaanong iwasang malunod
ang mga kuwentong umaawit ng totoo?
Humakbang para sa katarungan
Pilit ba nating takpan ang mga tainga
sa mga boses na dumaraing at nawawala?
Alalayan mo ng pag-asa
Hindi ba natin nararamdaman
ang halo-halong pulso ng nakararami?
Oras na para alintanahin
Baka nama'y iba ang ating karanasan
Ngunit nandito tayo't kapwa nitong bayan
Makisama at pagnilay-nilayan
Balikan ang dapat tandaan
Sindihan!
Ang 'yong paniniwala't paninindigan
Sindihan!
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan
Sindihan mo ang pananampalataya
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.
Ga’no kalalim ang kaya mong lusungin?
Ga’no kainit ang kaya mong magpadarang?
Mapanganib ay lulusungin
Puwede mo bang akuin kahit walang makaalam?
Alang-alang sa paniniwala
Kung sa’n mo nakuha ang tunay na pagmamahal
Malasahan man natin ang luha
hindi man humupa
Maghintay man ng matagal
Diligan ang mga tuyong
damdamin at pusong bumubulong
Kahit na uhaw na uhaw ka na
kaya mo pa rin ba na hindi uminom?
Latayan ng ‘yong balat,
tinig ay ‘di mamamalat
Walang sumisigaw
Hawak ang pangako na binitawan, iniliwan gamitin mo na tanglaw
‘Pag nasa dilim at dumidiin ng paninikil ‘di bibiguin
Dahil mas malalim ang ugat ng aming pag-ibig kahit buhay may kitilin
Bawat patak ng dugo, pagkataong bumubuo
Manakaw ay hindi
mananatiling buo para sa bayan ‘di yuyuko
Wangis may ikubli
Pero ga’no kalalaim ang kaya mong lusungin?
Ga’no kainit ang kaya mong magpadarang?
Kay dali nga namang sumuway
Kay dali nga namang manisi
Manguna na tayo't ilabas ang tanglaw
Wag kalimutan ang dapat tandaan!
Sindihan!
Ang 'yong paniniwala't paninindigan
Sindihan!
Kasama natin ang Diyos sa bayanihan
Sindihan mo ang pananampalataya
Ikaw ang liwanag sa duyan ng bayan.
Ikaw ang liwanag
Ikaw ang liwanag
Sa duyan
(Sa duyan ng)
Sa duyan ng bayan.