Ako At Ang Kalikasan (Kampo Kalikasan Theme Song)歌词由Jong Azores演唱,出自专辑《Ako At Ang Kalikasan (Kampo Kalikasan Theme Song)》,下面是《Ako At Ang Kalikasan (Kampo Kalikasan Theme Song)》完整版歌词!
Ako At Ang Kalikasan (Kampo Kalikasan Theme Song)歌词完整版
Halina’t ipagdiwang ang biyaya ng buhay,
Samyo ng hangin, hampas ng alon,
wagayway ng dahoon,
Kay sarap pakinggan ang awit ng kalikasan,
Bukal ng tubig pumatak sa dahon, agos ng ilog.
Ako’y bahagi lang ng kalikasan,
Dapat ko s’yang pangalagaan,
Nararapat na igalang,
Dahil kung hindi, ikaw, ako, kahit sino’y
Magdurusa dahil sa ating kasakiman.
Ang sikat ng araw ay ilaw ng buhay,
Buwan na kay lambing, bituing nag niningning
hangang bukang liwayway,
Sa pag-uugnayan at pagtutulungan,
Likas sa bayang may katarungan sa tao at kalikasan.
Ako’y bahagi lang ng kalikasan,
Dapat ko s’yang pangalagaan,
Nararapat na igalang,
Dahil kung hindi, ikaw, ako, kahit sino’y
Magdurusa dahil sa ating kabaliwan.
Ako’y bahagi lang ng kalikasan,
Dapat ko s’yang pangalagaan,
Nararapat na igalang,
Dahil kung hindi, ikaw, ako, kahit sino’y
Magdurusa dahil sa ating kasakiman.
Ako’y bahagi lang ng kalikasan,
Dapat ko s’yang pangalagaan,
Nararapat na igalang,
Dahil kung hindi, ikaw, ako, kahit sino’y
Magdurusa dahil sa ating kabaliwan,
Magdurusa dahil sa ating kasakiman,
Magdurusa dahil sa ating kabaliwan.
Ang kalikasan, sadyang nagmamahalan,
Ang kalikasan, dapat lang ingatan.