Ang Tanging Ina N’yo歌词由Ai-Ai Delas Alas&Carlito Camo演唱,出自专辑《Ang Tanging Ina N’yo》,下面是《Ang Tanging Ina N’yo》完整版歌词!
Ang Tanging Ina N’yo歌词完整版
Ang Tanging Ina N'yo - Ai-Ai Delas Alas/Carlito Camo
Hindi ko maintindihan kung ba't sila ganyan
Minsan kami'y nakikita't pinag uusapan
Kasalanan ko bang umibig at iwanan
Magkaroon ng anak na tangi naming yaman
Lahat ng hirap yata ay ginawa ko
Naging tindera na ako ng pirated sa kanto
Naging construction worker para lang mabuhay kayo
Naging inpersonator ang naging trabaho ko
Mahirap talagang maging isang ina
Mahaba dapat ang iyong pasensya
Pero kahit nandyan ang problema
Para sa anak lahat ay kayang kaya
Dahil ako ang
Tanging ina nyo na nagpapalit ng diapers nung bata pa kayo
Ang nag aalaga namamalantsa ng damit nyo
Nagpapaligo habang nagluluto ako nagpapakain
Nag aalaga sa inyo
Kinabukasan nyo ang laging iniisip ko
Ang mapag aral kayo hanggang sa kolehiyo
Magtinda man ako ng gulay isda at sago
Chicharon at balot ay gagawin ko
At kahit marami satin ang umaalipusta
Sabihin man nila lahat ang gusto nila
Dito sa puso ko'y pantay pantay ang nadarama bilang mga anak
Dahil ako ang inyong ina
Kay hirap talaga kapag nag iisa
Responsibilidad mo'y di basta basta
Kuryente tubig bayad sa kasera
Kung may sobra pa'y baon sa eskwela
Dahil ako ang tanging ina nyo
Ang tumatayo bilang nanay at tatay nyo
Tanging ina nyo na nagpapatawa kapag nalulungkot kayo
Nasasaktan pag di nabibigay ang gusto nyo mga kailangan
Tanging ina nyo na handang magtanggol pag inaapi kayo
Tanging ina nyo na ibibigay kahit buhay ko sa inyo
Anu man ang mangyari nandirito ako
Hanggang huli
Tanging ina nyo
Tanging ina nyo
Tanging ina nyo ako
Tanging ina nyo