Mirasol歌词由Lazed Nap’t演唱,出自专辑《Mirasol》,下面是《Mirasol》完整版歌词!
Mirasol歌词完整版
Hindi ko akalain na magiging ganito
Akala ko no'ng una ay mababaw ang gusto
Nagbago aking isip gusto na lang tingnan
Kung laging nakatitig ay hayaan mo na lang
Ito'y hindi pag-aanalisa
Sinisikap lamang isaulo ang 'yong mukha
At kung sakaling may makilala
'Di ako magagalit, sapat na ang alaala
Sa pagpapanggap ay 'di ako magaling
Kaya't patawad kung asta ko'y para kang akin
Mga dalawang linggo ang aking hihingin
Mapapaso rin ang aking pagkahaling
Ako'y hindi nagmamakaawa
Nagbabakasakali lang na ikaw matuwa
Sa aking pagpapakita
Na 'di kita kayang mabalewala
Huwag kang makikinig sa sabi ng iba
Hindi ka kayang limitahan ng kahit sino pa
Nais kong malaman kung paano mo nagagawa
Ang magpatuloy nang nakangiti
Nakamamangha
Kung numero ang pamantayan
Hindi kita kayang isalarawan
Dahil higit ka pa sa daan-daang
Mga mirasol sa pamantasan
Mga mirasol sa pamantasan