Mayroon Akong Kaibigan歌词由Fr. Allan Antonio演唱,出自专辑《Mayroon Akong Kaibigan》,下面是《Mayroon Akong Kaibigan》完整版歌词!
Mayroon Akong Kaibigan歌词完整版
Mayroon Akong Kaibigan - Fr. Allan Antonio
Lyrics by:Junior Joze
Composed by:Neima Luis
Meron akong kaibigan
Pag-ibig niya'y walang hanggan
Marunong siyang magpatawad
Kahit na kaninuman
Hindi ka nya pababayaan
Sa oras ng kagipitan
Kung siya'y iyong tatawagan
Naroon sya kahit saan
Sa puso koy kumakatok
Di sya pinagbuksan
Pag di na makaya
Sya ang tatawagan
Kahit ako makasalanan
Ako'y kanyang minamahal
Kay dami man ng kamalian
Ako'y kanyang pinagbibigyan
Ano ang aking iginanti sa aking kaibigan
Nang dahil sa aking mga kasalanan
Ipinako sya sa krus
Sa puso ko'y kumakatok
Di sya pinagbuksan
Pag di na makaya
Sya ang tatawagan
Patuluy ang aking paghahanap
Wala akong kasiyahan
Meron akong ibig malaman
Ang sagot ay 'di ko alam
At sa banal na kasulatan
Ang totoo ay nalaman
Si Hesus na aking kaibigan
Sya pala ang kailangan
Binuksan ko ang puso
At sya ay pinapasok
Ang aking kaibigan
Matagal ng kumakatok
Muli akong isinilang
Natapos ang paghahanap
Langit na pangarap
Kay Hesus ko nagtagpuan