Kadena (Explicit)歌词由JEWLS演唱,出自专辑《Kadena (Explicit)》,下面是《Kadena (Explicit)》完整版歌词!
Kadena (Explicit)歌词完整版
1st Verse:
Ako'y nakatingin ngayon sa kalawakan
Iniisip ang saya na akala ko'y pang matagalan
Sa bawat pag asang darating ako ay lumalaban
Pero pano ba lumaban? kung puno ng kalungkutan uh
Tumingin sa salamin tintanong sarili
Kung ano nangyayari saakin hindi na maikubli
Laging 'di mapakali
Gustong maisantabi
Mga iniisip na problema kahit isang gabi
Mababalik pa ba mga tiwalang nabali
Talaga bang magkasalungat ang kulay ng itim at puti
At sa bawat pag kakamali sinubukang maging tama
Ligaya na inaasam kailan matatamasa?
Patawarin ang sarili yan ang aking sinasabi
Sa kagustuhan kong makuha aking mga manawari
Mga papuri sa likod ng pagkukunwari
Isa palang pekeng daan papunta sa bahaghari
Chorus:
Patuloy sa pag agos ng mga luhang 'di mapigil
Gusto ko nang makaraos sa hirap gustong tumigil
Sobra na ang pagkapaos sa kasisigaw
Ngunit hanggang ngayon ako'y hindi parin makagalaw
May kadena ang mga paa sa nakaraan na hinding hindi malilimutan
2nd Verse:
Hirap nang makabangon sa aking pagkahiga
Laging tulog pero gustong gusto ko nang magpahinga
Paulit ulit na binubura
Ubos narin aking tinta
Punit punit na mga pahina
Kalat kalat hindi makahinga
Kailan ba titigil itong mga problema?
Gusto ko nang alisin sa aking mga sistema
Kailan mayayakap at matatanggap
Sinisikap mahanap ang alitaptap
Sa isang kurap ay hirap gumanap
Pilit na humarap, pilit pang nagpanggap
Sa sakit na naranasan sa tuwing naalala
Tanong na hindi nasagot bakit ba nagtiwala?
Sana'y sinabi kung ba't nag ka ganto
Para wala nang bakit na bumabalakid saking pagkatao
Mga letrang hindi nagtutugma
Kailan ba magiging tama
Sa pagbuhos ng ulan sabay sa aking luha
Sana'y nanatili nalang sa silid at hindi nakisama
Chorus:
Patuloy sa pag agos ng mga luhang 'di mapigil
Gusto ko nang makaraos sa hirap gustong tumigil
Sobra na ang pagkapaos sa kasisigaw
Ngunit hanggang ngayon ako'y hindi parin makagalaw
May kadena ang mga paa sa nakaraan na hinding hindi malilimutan
Bridge:
Bakit ba palaging panandalian ang saya?
Hindi ba pwedeng tumagal?
Gusto ko lang naman na lumigaya
Andami nang nagbago
Andami nang nangyari bakit hindi matago sa pagkukunwari?
Mahirap bigyang patunay na di ka nagiisa
Lahat ng sinamahan at bigla na nawala na parang bula
Bakit walang salita?
Na lumabas sa 'king bibig at di nakapaghanda
Lagi nalang ba mabibigo
Magtatanong, malilito
Nasa labas kumakatok sa nakasaradong pinto
Sinubukan namang lahat
Pero hindi parin pala sapat
Ito'y mananatiling sariwang sugat
Hindi na maalis ang mga naiwan kong lamat
Chorus:
Patuloy sa pag agos ng mga luhang 'di mapigil
Gusto ko nang makaraos sa hirap gustong tumigil
Sobra na ang pagkapaos sa kasisigaw
Ngunit hanggang ngayon ako'y hindi parin makagalaw
May kadena ang mga paa sa nakaraan na hinding hindi malilimutan