Hangarin歌词由J Rose演唱,出自专辑《Hangarin》,下面是《Hangarin》完整版歌词!
Hangarin歌词完整版
Verse 1:
Buhay kong emosyonal, madalas na dapat kong suyuin
Kasabay mga pagkakataong kailangan kong sugurin
Mga taliwas sa’king landas pangakong uubusin
Nais kong kumawala, nasa utak ko ‘yung susi
Eksenang telenobela ang ganap kada taon
Araw araw iniisip sarap sana magkaron
Ng sariling bahay, sariling kotse
Paglabas konsyerto ko nakapaskil sa mga poste
Habang kapiling ko si nanay punuin ang pasaporte
Lahat maisakatuparan gamit isip at ang boses
palaisipan ay kailan mangyayari
Pagiging handa aking handog
Kaalaman mula kalsada at sa klase
Ang dahilan bakit naging gan’to
Taglay ang karunungang hindi sukat akalain
Aral sa nakaraan kaya’t ang bukas nama’y sa’kin
Chorus:
Mga pasakit na
Humarang sa’kin sa
Panalangin na
Ibig kong matamo
Handang umawit na
‘gang mapasa’kin ang
Mga hangarin na
Pilit inaabot
Verse 2:
Lipad iba’t-ibang bansa basta aking maisipan
Walang bagahe kundi aking salaping hindi mabilang
Nahihilo na ‘ko sa daming putaheng nasa mesa
Lito na panlasa sa iba’t-ibang klase ng serbesa
Na bunga ng mga temang humaplos sa tenga’t isip
At nalikom na mga letra kung saan ako nahilig
Di pa man totoo ang aking mga nais makamit
Sulit sakripisyo sa mga maaaring kapalit
Maliit mang hakbang ay palapit nang palapit
‘Wag mo ‘ko turing na kalaban mas mainam kakampi
Sagot sa kailan ay sa kilos nakabase
Nasa tudlaan ay maging paldo
Panay progreso pagka’t ayaw makampante
‘gang lumisan ako’y dinggin mo
Mundo maugong naging payapa sa musika
Susulat hanggang ang pangalan ay aking ma-ukit na
Chorus (2x):
Mga pasakit na
Humarang sa’kin sa
Panalangin na
Ibig kong matamo
Handang umawit na
‘gang mapasakin ang
Mga hangarin na
Pilit inaabot