Lakad Ka Lang歌词由Ar-Z&Magsie演唱,出自专辑《Lakad Ka Lang》,下面是《Lakad Ka Lang》完整版歌词!
Lakad Ka Lang歌词完整版
Mapayapa na umaga ang tanging hinahangad
Bungad ng sariwang hangin na aking nalalanghap
Panibagong hamon naman ang matatanggap
Nilalasap bawat problema na aking hinaharap
Kung maulit ang kahapon ako'y natuto na
Ipagtuloy ang pagbangon sila'y matutuwa
Nalubog ka man sa alon at nagluluksa
Masasalba ka sa pag-ahon habang naluluha
At sa muli mong pag-angat bitawan ang mabigat
Pag-ingatan ang lahat kung ikaw ay nalingat
Sa iyong pagkakagat ay naalala ang bakas
Ng nakaraan ganap gustong iwanan sapagkat
Natuto maging tapat sa nangyari sarili
Ganon ba talaga nasa huli ang pagsisisi
Hindi pa huli para bumawi sa sarili
Gawin ang nararapat para sayong kabubuti
Lakad ka lang paabante
Sige lumakad ka lang lakad ka lang
Marami ka pang matutunan
Bawat tanong bigyan ng kasagutan
Lakad ka lang paabante
Sige lumakad ka lang lakad lang
Bawat galaw mo ay pagplanuhan
Pawis ang magsisilbing puhunan
Sa pag-usad ko sa byahe dala ko ang diskarte
Mga payo sa akin ang nagsisilbing dyamante
Galingan mo lang parati meron pa din masasabe
Hindi patas ang mundo kailangan man hindi balanse
Kahit minsan magulo hindi ka dapat malito
Dahil hawak mong libro walang iba kundi iyo
Tignan maigi ang katha na iyong nalilikha
Ikaw ang magpapaganda ng iyong ginagawa
Kung paano nadala at paano natamasa
Kinilusang pahinga hindi lang basta tumunganga
Nilusong ang baha at hindi na nabahala
Sapagkat may gatimpalang malaki si bathala
Inisip ang simula hanggang katapusan nito
Hanggang marating muna ang ganda ng paraiso
Madaming sinakripisyo at iniwan na ang bisyo
May maganda pa syang plano kaya pa din ako nandito
Lakad ka lang paabante
Sige lumakad ka lang lakad ka lang
Marami ka pang matutunan
Bawat tanong bigyan ng kasagutan
Lakad ka lang paabante
Sige lumakad ka lang lakad lang
Bawat galaw mo ay pagplanuhan
Pawis ang magsisilbing puhunan
Lakad ka lang paabante
Sige lumakad ka lang lakad ka lang
Marami ka pang matutunan
Bawat tanong bigyan ng kasagutan
Lakad ka lang paabante
Sige lumakad ka lang lakad lang
Bawat galaw mo ay pagplanuhan
Pawis ang magsisilbing puhunan