Oyayi (Acoustic)歌词由Gazera演唱,出自专辑《Oyayi》,下面是《Oyayi (Acoustic)》完整版歌词!
Oyayi (Acoustic)歌词完整版
Oyayi (Acoustic) - Gazera
Lyrics by:Axel Pinpin/Gold Villar
Composed by:Axel Pinpin/Gold Villar
Produced by:Gazera
Anak walang magkukwento
Sa iyo ngayong gabi
Maka-ilang pihit sa kama ng
Walang katabi
Yapusin at bantayan nalang
Ang unan kong huling ginamit
Yakap din kita
Sa tagal kong
Pagkapiit
Anak walang magluluto
Ng almusal bukas
Gigising kang walang tsokolate
At pandesal
Gamitin mo ang tasang
Huli kong pinagkapehan
Kasama rin kita dito
Sa panglaw ng bilangguan
Manamnam ang mga tinig
Sa pag-agos nitong himig
Pusong na di maluwa
Sinasagip nitong panitik
Sa kalupnit nitong gabi
Kirot ay sumasalisi
Nilalakbay ang alaala
Na minsan kang nakatabi
At nakausap
Nakayakap
Tangan ang diwa't pangarap
Kalakip ang mga bagay na
Hindi madaling mahanap
Pagnanais ay tila
Nagsi-akyat sa alapaap
Lungkot sa 'king isipa'y
Pilit na itinutulak
Pabalik sa pag-alis kong
Di natatalian
May kailangan lang gawin
Kaugnay ng paninindigan
Nais man kitang makita
Maparito makapiling
Para sa ating kaligtasan
Kinakailangan kong lumisan
Panambita'y karaniwan
Pero 'di ko mapigilang
Isigaw ang iyong pangalan
Patawid ng dalampasigan
Binuklod tayo nitong estadong
Nasa kamalian
Ngunit di tayo pakukulong
Sa malaking piitan
Pag-aralan mo ang kwento ng
Pangamba't
Pag-iisa
Pag-aralan mo ang kwento ng
Pangamba't
Pag-iisa
Pag-aralan mo ang kwento ng
Pakikibaka
Pag-aralan mo ang kwento ng
Paglaya
Sa pagtahak sa kahapon
Minsan kang nakapiring
Na parang bang walang hanggan
Pagkabulag sa paglibing
Wag mong hayaang mabingi
At tuluyan nang malibing
Nasa iyong mga kamay
Kung paano ka magigising
Umaandar ang panahon
Buwan at araw ay sasapit
Pagnanais mo'y ituloy yan
Hindi ihuhulog ng langit
Kumapit ng mahigpit
Tayo ngayo'y isang pintig
Kasama ng sambayanan
Malaya kang maiidlip
Kumapit ng mahigpit
Tayo ngayo'y isang pintig
Kasama ng sambayanan
Malaya kang maiidlip
Padayon