Umibig Muli歌词由Janine Teoso&Sam Concepcion演唱,出自专辑《Kwento Sa Silid》,下面是《Umibig Muli》完整版歌词!
Umibig Muli歌词完整版
Nangangamba
Yakap ang bawat sandali
Wala ka na sa ’king tabi
‘Di ko maiwasang manlamig
Nagtataka
Kay bilis lumipas ng dati
Noon, may ganang umibig
Ngayon hindi ka na sa ‘kin nakatingin
Iniisip na lang
Na lahat ng sakit ay may dahilan
Ooh ooh ooh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya
Ooh ooh ooh
Ako ay mag-isa
At masaya ka sa iba
Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli
Hmm…alam kong
‘Di ako nagkulang
‘Di kinapos
Inilahad ang lahat buong-buo
At kahit pinaglayo
Iniisip pa rin ang kahapon
Lahat ng
Sinimulan ay may dulo
Sadyang doo’y ‘di tayo nagtagpo
Pilitin mang iwasan
‘Di mapipigilan ang nakalaan
Hmm…iniisip na lang
Na lahat ng "bakit" ay may kasagutan
Ooh ooh ooh
Minamasdan kita habang
Hagkan-hagkan mo siya
Ooh ooh ooh
Ako ay mag-isa
At masaya ka sa iba
Ngunit kahit 'di lahat ng lumaban ay nagwagi
Hindi rin lahat ng talunan ay nalugi
At kahit ngayon ang puso ko ay nasawi
Balang araw ako ay matututo ring
Umibig muli, ohh ohh hooh hooh…
Ngingiti na lang
Lahat ng sakit ay may dahilan