Di Bale Na Lang歌词由Ace Cirera&YZKK演唱,出自专辑《Di Bale Na Lang》,下面是《Di Bale Na Lang》完整版歌词!
Di Bale Na Lang歌词完整版
Pwedeng sandali
Tatanggalin ang lungkot sa pisngi
Sabay tatawanan ang sakit at hindi na babalik pa
‘Di na ‘ko nasasabik
Pwedeng sandali lang muna
Pwede bang wala nang duda
Hilong damdamin ay ‘di maintindihan
Paikot-ikot, ikot lang kamay ng orasan
Pwede naman na sabihin mo sa ‘kin
Mga problema’t dalangin
Na paulit-ulit bumabagabag sa damdamin mo
Bakit gan’to palagi na lang ba
Hayaang masanay
Sa ‘di mo naman gusto o dahil lang sa pagnanasang nabuo
Nanaisin mo bang bumalik
Kung kapalit ay masasaktan ka ulit
Parang palo sa puwet
At manahimik lang sa gilid habang nakatitig
Isip nang isip
Sa mga pwede pang mangyari kung sakali
Na ‘di lang nakadepende sa mga gusto ko palagi
Kaya
Kaya
Isang sakitan na lang
Kung paulit-ulit lang din ang nararamdaman
‘Di bale na lang
Kesa laging masaktan
Isang sakitan na lang, isang sakitan na lang
Isang sakitan na lang
Kung paulit-ulit lang din ang nararamdaman
‘Di bale na lang
Kesa laging masaktan
Isang sakitan na lang, isang sakitan na lang
Dami na din pala napagdaanan kaya
Halos maubos ang luha mo sa mata
Mata mo’y magang-maga tumahan ka na
Inom ka muna ng tubig
Kumalma ka na
‘Wag kang magbibiro diyan sa may lubid
Ganyan talaga si kupido
Minsan parang istupid no
Habulan at sigaw paulit-ulit parang scooby doo beedo
Tara magmuni-muni dun habang nagdubidubidoo
Habang nanunuod ng love story ni Lupin Fujiko
Oh tara magtampisaw sa dagat
Magsawa sa dubit sa alak
Sumigaw at
Labas mo ‘yan lahat
At mapanatag sa simoy ng hangin
Masabihan salamat palagi at nandiyan ka
Malalagpasan kaya
Pwedeng sandali
Tatanggalin ang lungkot sa pisngi
Sabay tatawanan ang sakit at hindi na babalik pa
‘Di na ‘ko nasasabik
Pwedeng sandali lang muna
Pwede bang wala nang duda
Hilong damdamin ay ‘di maintindihan
Paikot-ikot, ikot lang kamay ng orasan