Kaisaha’t Pagkakaisa歌词由Pansol Choir&Maria Catrina Devisfruto演唱,出自专辑《Tubig at Liwanag (Mga Awitin Para sa Pagdiriwang at Paggawad ng mga Sakramento)》,下面是《Kaisaha’t Pagkakaisa》完整版歌词!
Kaisaha’t Pagkakaisa歌词完整版
Kaisaha’t Pagkakaisa
Musika ni: Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ
Titik ni Fr. Timoteo Jose Ofrasio, SJ
Pagsasaayos ni Nikko Oliver Villanueva
‘Sang tinapay lamang ang pinaghahatian;
Isa lamang katawang pinag-aaniban;
Isa lang pananampalatayang buklod
Upang tayo ay maging isang bayang lingkod.
‘Sang hapag lang ang ating pinagsasaluhan;
Isa lang Panginoon na
S’yang pinagmulan;
Iisa yaong Anak na S’yang nagdudulot
Ng piging mula sa Diyos ay kaloob.
Kaya’t halina, tayo’y magkaisa,
At sambahin ang Sakramentong dakila;
Bukal ng Buhay, pag-asa at tanglaw
Sa tao’t sa bansang
ang Diyos ay S’yang ilaw.
Isa lang ang Eukaristiyang inialay;
Isa rin yaong misteryo ang ginaganap,
Isa lang ang Eukaristiyang tinatanggap,
Yaon ay si Hesukristong Hari ng Buhay.
Sa isang piging na pinagsasaluhan,
Sa isang tinapay na pinaghahatian,
Sana’y maging ganap ang pagkakaisa,
Natin sa Espiritung nagbubuklod.
Kaya’t halina, tayo’y magkaisa,
At sambahin ang sakramentong dakila;
Bukal ng Buhay, pag-asa at tanglaw sa tao’t
Sa bansang ang Diyos ay siyang ilaw.
Bukal ng Buhay, pag-asa at tanglaw sa tao’t
Sa bansang ang Diyos ay siyang ilaw.
Sambahin ang Sakramento!