PARU-PARO (Explicit)歌词由Jano&CHNDTR演唱,出自专辑《Pinoy Hip Hop To (Explicit)》,下面是《PARU-PARO (Explicit)》完整版歌词!
PARU-PARO (Explicit)歌词完整版
PARU-PARO (Explicit) - SCYE/CHNDTR
Lyrics by:John Orlan Lopez/Anne Margarette Detera
Composed by:John Orlan Lopez/Anne Margarette Detera/Allan Mitchell Silonga
Ang buhay ba'y nagbibiro
Ako'y nalilito
Takbo ng oras 'di ba hihinto
Lumilipad paru-paro
Kapayapaan hanap-hanap
Magdamang na nasa kama at hindi mapakali
Nagtawag na ng kasama para maisantabi
Iinom na lang ng alak kaysa aking maalala
Mga naninirahang kalat sa aking guni-guni
Dama bawat sandali
Tsokolateng nakabahid sa ngiti
Ang nagiging pamantayan at mistulang salamin
Ng pagiging masaya 'yan ang sabi ng iba
Palibhasa ay wala kan sa aking mga paa
Mga traumang naranasan akin nilalabanan
'Kala mo ay natakasan biglang maglalabasan
At kakainin nang buo ang puso't isipan
Matira matibay Diyos ko po ako'y pinaligiran
Balewala ang mga lait pati ang halakhakan
'Di ko na nga magawang magait halimaw ang kalaban
Kaluluwa ay kinakarit na ba ni Kamatayan
Mag-isa lang ako pero tangina bakit ang daming nagtatawanan
Ang buhay ba'y nagbibiro
Ako'y nalilito
Takbo ng oras 'di ba hihinto
Lumilipad paru-paro
Kapayapaan hanap-hanap
Panibagong araw parang gusto ko na kaagad matapos
Dumikit na nga kalawang sa luma kong sapatos
Nakalimutang may sikmura pang dapat na iraos
Pagkatapos maghilamos trabaho ko'y tinatapos at
Higaan ay inayos kumain at natulog
Bigla na lang ginapos sa bangin ako'y nahulog
Ipapaliwanag ko sana kaso parang 'di ko kaya
Na ipasa ang umay at basura kong napulot
Sinubukan ko na dati walang naniniwala
Baka wala silang ideya na talagang namiminsala
Sa panahong umaatake gamot iniiwasan at
Parang nananaginip kaluluwa'y binibitawan
Mga bulong nagsisigawan sa duda ay nabalot
Nakakulong naiingayan nalula na sa takot
Mailap ang kapayapaan para 'kong dinadaya
Panginoon lang ang sandalan kaya ko kinakaya
Ang buhay ba'y nagbibiro
Ako'y nalilito
Takbo ng oras 'di ba hihinto
Lumilipad paru-paro
Kapayapaan hanap-hanap
Sa dami ng mga tanong
Sa isipan hindi na mabilang
Paulit-ulit na lang
Ang nangyayari
Tulungan niyo ako
Ang buhay ba'y nagbibiro
Ako'y nalilito
Takbo ng oras pinahihinto
Lumilipad paru-paro
Ang kalayaan hawak-hawak
Gulong-gulo aking isipan
Masyado nang malalim napakaraming iniisip
'Di na balanse at alanganin 'di ko masabing kakayanin
Parang ang layo kung lalakarin napaka-hassle
Patawad Panginoon pero baka magkita na tayo 'di ka malayo sa'kin
Napapa-amen pero bago ang lahat may sasabihin hiling habilin
Patawad sa lahat ang gagawin ko'y kasalanan
Binigyan ko ang lahat ilang taon ko 'tong nilabanan
Pero 'di pa rin sapat
Hindi kita pababayaan
Hindi kita bibitawan
Kumapit ka
Sasamahan kita