Minamahal歌词由Charm and Charl演唱,出自专辑《Minamahal》,下面是《Minamahal》完整版歌词!
Minamahal歌词完整版
Ngayon lang ulit nadama
Naninibago sa saya
Akala’y kuntento na ako mag-isa
Nang biglang dumating ka
Tila ako’y naguluhan,
ikaw na ba ang dahilan?
Kung ba’t ako pinaghintay ng tadhana?
Ngunit bakit kita ko
Sa’yong mga mata
Ang takot na umibig muli
Kahit gustuhin ko
Walang magagawa
Kung ‘di sigurado sa’akin
Pero, mahal…
Sana’y malaman mo
Kahit ‘di man tayo
Alaala mo’y hindi malilimot
Panalangin ko
Na iyong matanto
Ang kabutihang taglay ng ‘yong puso
Na para sa akin ay sapat, karapat-dapat, at minamahal
‘Di mo kailangan pahirapan ang sarili
Hindi kailangan ipilit
Huwag pangunahan ng takot at kaba
Kung ‘di pa nasusubukan
Dahil kapag sumugal sa pag-ibig
Hindi maiiwasan ang sakit
‘Pagkat nakikita ko
Sa’yong mga mata
Ang takot na umibig muli
Kahit gustuhin ko
Walang magagawa
Kung ‘di sigurado sa’akin
Pero, mahal…
Sana’y malaman mo
Kahit ‘di man tayo
Alaala mo’y hindi malilimot
Panalangin ko
Na iyong matanto
Ang kabutihang taglay ng iyong puso
Na para sa akin ay sapat, karapat-dapat, at minamahal
Sana’y maunawaan
Kung bakit kinailangang
Bitawan muna ang ating nasimulan
Pag magawang patawarin ang iyong nakaraan
At sa wakas matagpuan
Ang puso kong noon pa man
Sa’yo lang naka laan
Minamahal ka, minamahal ka, mahal
Minamahal ka, minamahal kita