TAIMTIM歌词由Polo Pi&Guddhist Gunatita演唱,出自专辑《TAIMTIM》,下面是《TAIMTIM》完整版歌词!
TAIMTIM歌词完整版
Iba na ako ngayon hindi na tulad dati.
Daming nakaka kilala daming bumabati.
Mena-materialize kolang ang dating sinasabi.
Laging galingan molang at lumingon palagi.
Dahil makaka pulot parin ng kayamanan.
Sa dati kong mga mali at pinag dadaanan.
Meron man mga sukli ang aking naiwan
Kung ano ang daladala ay aking iingatan.
Salamat, sa mga taong na ngungutya.
Salamat at dito mo narin ako dinala.
Salamat sa dalangin at kasama sa baba.
Kayo ang pahinga pag ako ay na wawala.
Meron din mga bigat ang gusto kumawala.
Habang tumatanda natutong bumalewala.
Tigas ng ulo pag nag kamali gusto umisa pa.
Yan ang aking katangian na hindi na dadala.
Kwento ng buhay ko ay di malayo sa iba
Parehas tayo gusto ko lang din sumaya
Gusto ko lang ding, maranasan, na yumaman
Malunasan, kahirapan, maiwasang, malipasan
Gusto ko sa tahimik, ayoko sa maingay
Habang sila puro karne ako purga sa gulay
Marunong makibagay, Kahit magkaiba
Pananaw at pandama na gamit natin pangkapa
Pasensya na kaibigan kung dimo maibigan
Itong tunog na naibigan ng aking kaibigan
Gusto nya lang subukan maging kakaiba
Lalo na sa panahon ngayon lahat magkamukha
Buti nalang may sarili na galaw
Imbis na makisali mas piniling tumanaw
Tanong nila sa akin gudds pano maging ikaw
Sagot ko lang kaibigan manatili kang ikaw