Sulyapan歌词由Hans Pagalan演唱,出自专辑《Sulyapan》,下面是《Sulyapan》完整版歌词!
Sulyapan歌词完整版
Nagkatagpo ating mga mata
Iwas-tingin nang ‘di mahalata
Takaw-tingin ang ‘yong kagandahan
Nabighani nang ika’y minamasdan
Mapansin mo sana
Ang aking paghanga
Sulyapan mo man lang
Bigyan ng pag-asa
O Natatanging nilalang, marami ang nakaabang
Nagbabaka-sakali na mapapansin mo rin sila
Kung ako ang napili h’wag kang mag-atubili
Isusumpa kong habang-buhay kang mamahalin
Mapansin mo sana (Sana, sana)
Ang aking paghanga (Ang paghanga)
Sulyapan mo man lang (Sulyapan mo lang sana)
Bigyan ng pag-asa
Hindi sinadya ng damdamin
Kahalintulad sa ihip ng hangin
Kung saan ang paroo’t parito’y di mahulaan
Wag mo sana akong pulaan
Pagbigyan mo lang kung maari
Sulyapan mo kahit sandali
Nais kong lasapin at manatili
Ngunit kailangan kong magkandili,
Di ko rin naman alam ang iyong pangalan.
Marahil sınadya ng kapalaran
Mapansin mo sana
Ang aking paghanga
Sulyapan mo man lang
Bigyan ng pag-asa
O puso ko dahan-dahan
Maghinahon nang ‘di masaktan
Pagtitimpi ang kailangan
Nang ‘di magkamali at pagsisihan