Tunay (Explicit)歌词由Don Gab&Lasito Uno演唱,出自专辑《Tunay (Explicit)》,下面是《Tunay (Explicit)》完整版歌词!
Tunay (Explicit)歌词完整版
Song Lyrics:
Lasito verse:
Di matatago sa imahe ang tunay na ako,
Di magbabago kahit magpakabanal pa ako.
Di nakabase sa ugali na makikita mo.
Dahil ang sabe, may taong nasa loob ang kulo.
Ako ay aminado, na may pangalawa din akong pagkatao,
Ayos lang makatapak ng tae, wag ka lang makatapak ng tao,
Kahit pa nakangiti sa litrato, pero sa iba, iba ka magtrato.
Mabait ka sa larawan,
pagka nasilawan,
Lalabas ang pangil at mangangagat ka gago.
Di mo pa ba natutunogan, lahat tayo nasa bingit ng sunugan.
Pa'no kung wala ka na ding matungtungan, malamang irekta ka na sa tupukan, lumangoy sa dagat dagatang apoy.
Sunog ang balat na amoy,
'lang hanggan mo na pagsisisihan pagbayaran mo ang pagkakasala mo boy.
Chorus:
Pagmasdan mo sa salamin
Ikaw din ang syang salarin.
Kahit 'di mo tanggapin,
May isang nakatingin
'Yan ang 'di mo napansin.
Pagmasdan mo sa salamin
Ikaw din ang syang salarin.
Kahit di mo tanggapin,
May isang nakatingin
'Yan ang 'di mo napansin.
Don gab:
Makapanindig balahibo,
sa tuwing tahimik at mga matay nakamasid lang.
wastong paraan at halo halong mapanlinlang
Inakala na mababaw subalit nakakalula
Nakatagong pagkatao na nakakaduda.
kakasuka't kakasuya,
alingawngaw na di makahula
ano ba talaga nais itala ng pluma.
'Di mo na din maikakaila,
may mangilan ngilan ng nakakahalata
malamang 'don lamang din sa may nakakaalam
mga kaagapay mo at nakakapanayam
halatado sa paligid mong ginagalawan
'di malaman ano ang ginagawang batayan
maaaring sa alitan at mga bangayan,
madalas ay base sa panglabas na kaanyuan
Ninanais lang manahimik,
habang ang mga mata'y dilat nananaginip
Sa katotohanan ay pilit na iniisip
ayaw sa pagkakamali laging sinisilip
magpakakulong sa napakaweirdong emosyon
Raragasa ang ikot ng isip parang gulong,
Kung nais niyo man balakin pa yan na itanong
Tanging tango at iling lang itutugon.
Chorus:
Pagmasdan mo sa salamin
Ikaw din ang syang salarin.
Kahit 'di mo tanggapin,
May isang nakatingin
'Yan ang 'di mo napansin.
Pagmasdan mo sa salamin
Ikaw din ang syang salarin.
Kahit di mo tanggapin,
May isang nakatingin
'Yan ang 'di mo napansin.