Positibo歌词由Jekk Therapeace演唱,出自专辑《Positibo》,下面是《Positibo》完整版歌词!
Positibo歌词完整版
Ang dami kong tanong na ako din ang sumagot,
Madalas mo na makita na ang noo ay kunot.
Malalim ang mata at yung pisnge medyo lubog,
Hitik sa bunga aking puno, hinog pa ko sa bulok.
Pwede ka na magtaka, ngunit bawal ang komento,
Hindi mo nilakaran yung bako-bakong simento.
Mahabang byaheng pa-liko-liko, walang diretso,
Upang maging sangkap ka sa bawat na argumento.
Madalas na tinatalo ng puso ang aking isip,
Lumalambot palagi pag dinikta ng pag-ibig.
Umasang magbabago ang hangin sa kada ihip,
Ako'y tingalain hanggang mata ay magsi-tirik.
Imposible at dipende tungo sa maging posible,
At inulit-ulit ko hanggang ito'y magdoble-doble.
Nag-iibang anyo pag pinilipit na yung kable,
Lahat tumatango kapag nag mic check kase.....
Positibo lang palagi hindi pwedeng mag-iba,
Sumubok na dumurog sila yung nagigiba.
Naririnig mo ba kung sino yung naiiba?
Malawak na yung isip tas yung utak mataba.
Positibo lang palagi hindi pwedeng mag-iba,
Sumubok na dumurog sila yung nagigiba.
Naririnig mo ba kung sino yung naiiba?
Malawak na yung isip tas yung utak mataba.
Wag mong hayaan na lasunin ka ng 'yong nakaraan,
Dahil ang dagok ay kambal ng pag-likha ng paraan.
Madaming ka pang bayarin kaya bawal kang tamarin,
Walang hinulog ang langit na hindi kayang saluhin.
Sa una lang mahirap kaylangan mong tumagal,
Kung walang kasamang kilos, kukulangin ang dasal.
Maliit ka mang ituring, pag sumabog ka'y taal,
Ito'y leeg ng kapalaran mo, wag kang magpa-sakal.
Madalas na tinatalo ng puso ang aking isip,
Lumalambot palagi pag dinikta ng pag-ibig.
Umasang magbabago ang hangin sa kada ihip,
Ako'y tingalain hanggang mata ay magsi-tirik.
Kahit na hanggang ngayon, ay ang dami kong tanong,
Ako'y patuloy sa paghanap sa mga nagtatagong.
Ilabas mo sa kahon yung utak mong naka-kulong,
Ang pag-usad ay galaw pa din kahit mala-pagong.