Starstruck歌词由STARLiGHT演唱,出自专辑《Starstruck》,下面是《Starstruck》完整版歌词!
Starstruck歌词完整版
No’ng unang nakita kita, ako’y nasilaw sa liwanag mo
Nag-umpisa kang kumanta at ako’y napatulala sa’yo
‘Di ko na napansin, sinigaw ko ‘yong pangalan
Lungkot ko’y napawi nang ako ay nginitian
Biglang narinig ko, tibok ng aking puso
Sa gitna ng teatro, naro’n ang aking idolo
At do’n na nga, na-starstruck ako
Sa isang iglap, ‘wag kukurap
Mga mata ko ay kumikislap
(Starstruck) Ikaw ang inspirasyon ko
Lilipad papunta sa alapaap
Isang tagahangang nangangarap
Ako’y na-starstruck sa’yo
Nagsimula nang biglang dumatal ang aking kaisa-isang hiling
Nais ko na tulad mo’y magtanghal at napamahal sa ‘yong sining
Nagpursigi akong pag-igihin ang talento
Sa bawat ensayo, ikaw ang nasa isip ko
Ako ay lumikha ng sayaw at ng musika
Mahirap mag-isa ngunit sa’yo nakatingala
Boses ko ay maririnig na
Sa ‘king paglapit, ‘di pumikit
Pangako sa puso ang aking bitbit
(Starstruck) Ikaw ang inspirasyon ko
Tunay na damdamin laman ng awit
Pangarap natin ay makakamit
Ako’y na-starstruck sa’yo
Ngayon ako’y nakatayo rito sa hirang na entablado
Pakinggan mo ang himig ko na ito
Sana’y makarating sa iyo
Ilang buwan ko na pagsisikap
Ngayo’y nandito na sa aking harap
(Starstruck) Forever starstruck sa’yo
At sa isang iglap, ‘wag kukurap
Mga mata ko ay kumikislap
(Starstruck) Ikaw ang inspirasyon ko
Lilipad papunta sa alapaap
Isang tagahangang nangangarap
Ako’y na-starstruck
Ako’y na-starstruck
Ako’y na-starstruck sa’yo