Marcha歌词由Roc-6&Alas Ng Beats演唱,出自专辑《Reclusion Perpetua (Part I) [Explicit]》,下面是《Marcha》完整版歌词!
Marcha歌词完整版
Alam mo ba ang hirap nang hindi ko kayo kasama
Yung araw-araw nananalangin sa ama na sana
Nasa mabuti kayong kalagayan at wala sa pangamba
Ayaw ko nung una pero kinailangan talaga
Sa ibang bayan don muna mangarap
Alam mo naman satin mahirap maghanap
Ng trabaho kung saan sasapat
Ang salapi na hawak ng ating mga palad
Para sa bayarin na napakarami
Kayat nagtiyaga dito at nagpakabayani
Kapalit naman ay hindi ako naging saksi
Sa mga mahahalaga na pangyayari
Sa ating anak kasabay ng kanyang paglaki
Hayaan ninyo ako rin naman ay makakabawi
Kapag sa ating inang bayan ay nakauwi
Ngayon tiis tiis na muna sa mga chat at tawag
Darating rin ang araw na kayoy mayayakap
Di ako makalilimot sa pangakong hawak
Sinumpa ko sa Diyos na nakakaalam ng lahat
Ako po'y tumawag para kumustahin kayo
Pa, hindi ho ba kayo diyan nahahapo
Magiingat po kayo sa inyong pagtratrabaho
'Mataas ang aking mga nakuha na grado
Malamang sa malamang ay aakyat na naman
Ngayong taon tulad ng inaasahan
Kung noon masaktan ay hindi maiwasan
Pagkat sila kumpleto kanilang magulang
Ngayon ay kaya ko nang unawain
Kaya ka nariyan para rin sa atin
Pero sanay may nakikinig sa akin
Kung anong aking hiling
Bago ang diplomay tanggapin
Pangalan koy kanilang banggitin
Sana naman umuwi ka na rito
Para ang mahal kitay personal na masabi ko
Nak binabati kita ng maligayang pagtatapos
Ito lang ang nakayanan sapatos
Hindi bat sabi mo sa dati ay pinapaltos
Pwes, ito makalalakad ka na nang maayos
Sapagkat malayo pa ang iyong lalakbayin
Palatandaan lang yan na sayong lalakarin
Mawala man ako ng pisikal kasama pa rin
Tara na bago pa tumulo luha natin
Tumawag ka nang masasakyan
Mamaya ay isang araw na makasaysayan
Ayaw mo naman siguro na masayang
Siya nga pala may regalo pa kong nakaabang
Ano po yun ma ang sapatos na toy sapat na
Basta nak pwede bang wag nang panira
Tsaka na lang sumilip pag tayoy naron
Sa nakatakda natin na destinasyon
Nak nak oras na para ikay gumising
Tingnan mo kung sino ang kapiling
Pasensya ka nat aming nilihim
Ang pagtupad sayong hiniling
Tamang pagkakataon hinintay namin
Para kahit panoy magkapiling pamilya natin
Di niyo po alam kung gaano ko natutuwa
Wala kong ibang hiniling na makuha
Salamat nang marami ma pa
Makumpleto tayoy posible pala
Nak mapatawad sana ang papa
Sa mga pagkakataong hindi kasama
Ngayon sa araw ng iyong martsa
Umuwi ako gaya ng aking pangako.