Pagbabalik-loob歌词由Pansol Choir&Paul John Laureta演唱,出自专辑《Tubig at Liwanag (Mga Awitin Para sa Pagdiriwang at Paggawad ng mga Sakramento)》,下面是《Pagbabalik-loob》完整版歌词!
Pagbabalik-loob歌词完整版
Pagbabalik-loob
Musika ni: Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ
Titik ni Fr. Timoteo Jose Ofrasio, SJ
Pagsasaayos ni Paul John A. Laureta
1. Masdan Mo, O Diyos,
ang lingkod Mo na nagbabalik loob sa Iyo,
bagama’t ‘di marapat ay dumudulog sa ‘Yo,
upang makamtan ang awa Mo.
Koro:
Ang diwa ko’y naninimdim kung malayo sa ‘Yo;
ang puso ko’y namimighati kung mawalay sa ‘Yo.
Kailan ko pa kaya matitikman ang awa Mo?
Kailan tatamuhin ang patawad Mo?
2. Kay tagal kong nalayo sa ‘Yo
at kay raming mga taong sinaktan ko;
at ang s’yang inisip ko ay kaginhawaan ko,
pininid sa kapwa puso ko.
3. Kaya nga, O Diyos,
kalugdan Mo ang pagbabalik loob ko sa ‘Yo;
Diwa ko’y linisin Mo, puso ko ay buksan Mo
upang matugunan ang tawag Mo.