XXV歌词由Greyhoundz&Gloc 9演唱,出自专辑《XXV》,下面是《XXV》完整版歌词!
XXV歌词完整版
XXV - Greyhoundz/Gloc 9
Lyrics by:Rene Reg Rubio II/Aristotle Pollisco
Composed by:Rene Reg Rubio II/Adolf Andrian Avenido/Anselmo Avenido III/Thomas Jay Brillantes
Simulan natin
Ang bente singko
Hawak ko nung
Ako'y nangarap
Mga kapatid na aso
Ako'y niyakap
Nilawayan upang di
Na bumuka ang tarak
At humarang sa mga
Ayaw na magpaawat
Binuksan ang pintuan ng
Tahanan nila't
Ako'y pinatuloy
Maginaw sinindihan ang apoy
Walang taguan ng baraha
Maglaro man ng pusoy
Maluwag ang huminga
Kahit na ano pang-amoy
Kilala namin ang isa't isa
Kahit na kapaligira'y mag-iba
Buo't barya lagi
Kaming may paninda
Sagot kita ano man
Ang tanong nila
Alisin na sa usapan
Ang korona at trono
Isa lang ang may
Karapatan ayoko
Kahit kung minsan ako
Ay tila ba wala sa tono
Aawit pa rin kapag
Pinasabay sa koro
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sa'yo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sa'yo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Pinasakay sa tangke
Sinargo ang parada
Palaruan inangkin
Walang babala sa
Delubyong dumating
Namulat ang madla
Sa talas ng patalim
Nagliyab ang entablado
'Lam mo sino nagsindi
Ginawang araw ang gabi
Mga pagkakataon
Ay pinagtahi-tahi
Dugo't pawis ang alay
Kada ambag kada tari
Buwis buhay kada lapag
Kada lagari
Gera kung gera
Sa'n man ang pwesto
Asahang dala namin
Ang krudo para sa puso
Taas bandera taas kamao
Sabay natin buhatin
Ang bigat ng mundo
Sumuntok sa buwan
At naging tala si Juan
Salamat kay Bathala
Siyang bahala Siya nawa
Nobenta'y syete
Hanggang kasalukuyan
Kami ang bakal at apoy
Na walang kamatayan
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sa'yo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sa'yo na ang sukli
Hindi napagod kaya
Parang baga na hinipan
Siguradong aapoy 'di mahina
Hinagisan pa ng mga
Sinulatang pahina
Kapag tumatagal
Umiinit ang makina
Sinasakal 'di mapipigil
Ang paghinga akin na
Laging lagyan ng
Laman ang balde
'Di nababasa
Kahit na umanggi
Kulang ang sabi-sabi
Kapag kami pinagtabi
Darating agad-agad
Lalapag araw o gabi
Tila musika sa tenga
Parang kamot sa kati
Ako ay tagahanga
Na pinagpala
Nakamit ang pangarap
Na walang daya
'Di mahirap sa amin
Ang magpaubaya
Bitawan ang galit
Upang tayo'y lumaya
Kahit sa malayo ang sadya
Hindi nanghina
Ang pagpadyak
Kahit na sa laot inulan
Tuloy-tuloy lang
Ang pagsagwan
Kahit na matayog ang lipad
Mga paa'y sa
Lupa naglalakad
Laging uhaw
Sa pakikipagdigma
Kaluluwa'y busog
Sa biyaya
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sa'yo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami nakarating
Pumalag sa agos
Kami nakatawid
Sumabay sa alon
Kami ang nanaig
Pumalag sa hamon
Sa'yo na ang sukli
Hindi napagod
Kaya kami
Parang baga na hinipan
Siguradong aapoy 'di mahina
Hinagisan pa ng
Mga sinulatang pahina
Kapag tumatagal
Umiinit ang makina
Sinasakal 'di mapipigil
Ang paghinga akin na