Maligayang Pasko, Lolo歌词由Various Artists&Baby Cora Bautista&Bert Mercado演唱,出自专辑《Pasko Ng Mga Bata》,下面是《Maligayang Pasko, Lolo》完整版歌词!
Maligayang Pasko, Lolo歌词完整版
Maligayang Pasko, Lolo - Various Artists/Baby Cora Bautista/Bert Mercado
Lyrics by:Bert Reyes
Composed by:Bert Reyes
Mano po lolo at sa inyo kami ay namamasko
Kasama ko po dito ang lahat ng inyong apo
At kami naman lolo'y hindi delikado
Tatanggapin namin kahit ano
Walang wala ang lolo pasensiya na kayo
Mabuti pa kayo at maraming aginaldo
Akin ring iniisip na ngayon ay mamasko
Upang magkapera ako na katulad ninyo
Wag mag alala lolo kahit kami walang pamasko
Ang ninong naman nami'y may bigay na aginaldo
Maligaya na kaming makita ka lolo
At sa inyong kamay ay magmano
Sa inyong kasuotan naiinggit ako
Bago ang sapatos at ang magandang bestido
Damit ko'y lumang luma wala akong bago
Tanging masasabing bago ang aking pustiso
Kung kayo lolo'y walang wala sa araw nitong pasko
Naririto ang aming aginaldo po sa inyo
Sa tatay at sa nanay ay galing po ito
Kaya kayo ay mayroon ding bago
Sa tatay at sa nanay at sa mga apo
Maraming salamat sa bigay na aginaldo
Maligaya ang lolo sa kabutihan niyo
Pagpalain kayong lahat nitong sto niño
Kaming mga apo niyo akong inyong lolo
Ay magsama sama sa simbahan ay tumungo
Idalangin natin na sa pagsapit ng pasko
Maging maligayang lahat itong mga tao
At sa inyo namang lahat
Maligayang pasko
At sa inyong lahat
Maligayang pasko