Talipandas歌词由Jaycen Cruz演唱,出自专辑《DILIM》,下面是《Talipandas》完整版歌词!
Talipandas歌词完整版
Sino nga ba ang may kasalanan,
'Yung pabalik na o 'yung papunta pa lang?
Talipandas kung naturingan
'Di kaya 'di lang nila naiintindihan?
Mawala lang ng panandalian
Ang dami-rami nang sasabihin na naman
Kelan ba titigil ang kahibangan
Heto na, 'lika na at ating pag-usapan
Bugtong, bugtong, ano ang karugtong
Matapos mong tumulong ikaw pa ang ihuhulog
Tanong, tanong, bakit nagkagano'n?
Ikaw na nga 'tong tama pero ikaw pa rin ang talo
Pariwara na raw sa kanilang paningin
Pare, wala naman kaming pakialam sa sasabihin
Nais lang naman naming kami ay marinig kaya
dinggin, dinggin, dinggin, dinggin, dinggin ang aming panalangin
Sino nga ba ang may kasalanan,
'Yung pabalik na o 'yung papunta pa lang?
Talipandas kung naturingan
'Di kaya 'di lang nila naiintindihan?
Mawala lang ng panandalian
Ang dami-rami nang sasabihin na naman
Kelan ba titigil ang kahibangan
Heto na, 'lika na at ating pag-usapan
Nasabi nang lahat ng sasabihin
Kaya pasensya na kung ako'y pabitin...
Biro lang, hindi pa ako titigil
Dito lang ako, walang makakapigil
Kahit magbilang ka pa hanggang labindalawa
mga binibigkas ko ay hindi mo na mabubura
Hindi kami blangkong papel na walang laman
kaya basta-basta mo na lang sinusulat-sulatan
Nais lang naman naming kami ay mapakinggan kaya buksan, buksan, buksan, buksan, buksan ang iyong isipan
Sino nga ba ang may kasalanan,
'Yung pabalik na o 'yung papunta pa lang?
Talipandas kung naturingan
'Di kaya 'di lang nila naiintindihan?
Mawala lang ng panandalian
Ang dami-rami nang sasabihin na naman
Kelan ba titigil ang kahibangan
Heto na, 'lika na at ating pag-usapan