G Wolf歌词由Flow G演唱,出自专辑《G Wolf》,下面是《G Wolf》完整版歌词!
G Wolf歌词完整版
G Wolf - Flow G
Lyrics by:Archie Dela Cruz
Composed by:Archie Dela Cruz
Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo
Yung ako'y magpaka-beast pero atleast
Lagi pa rin nasa list
Kahit walang ni-release yung mga diss
Buti na lang natiis ko kahit nakaka-inis
Sa unli pa lang ay panis na
Wala 'kong kailangan i-please
Ako lang yung 'di lumusog
Pero yung sulat busog
Yung beat ay palaging sunog
'Di na sumusulat ng hindi magkakatunog
'Di pa ba kayo nakatunog
Sakin lang kayo nakakanood
Na yung tyamba magkakasunod
Kaya halatadong tulog pa yung taong
Nag-sabi sa aking 'di pa ko hubog
Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog
Mga ugok magkakasabay na bulok
'Di kami yung dahilan kung bakit 'di na kayo patok
Sadyang hindi na pasok dito yung mga tira pasok
Napakadami kong naalog
Simula nung nakita nila 'ko tumula ng padabog
Lahat sila sakin pasugod totoo palang
Ang inggit ay hindi na kayang magamot
Ako lagi tampok ng mga tunog hambog
Laging may nag-aamok
Kahit na wala 'kong inalok may sumasagot
Ano ba naman ambot
Parang sa buwan sumuntok
Mga pumutok pero sa pangalan namin nakabuntot
Mga kumurot nung lumagabog
Ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot
Malamang sa malamang ay mauna padin sila mauntog
Bago pa makarating sa tuktok sira tuktok
Panahon niyo na maudlot kasi kami na ang taga-tuldok
Oh sige namnamin niyo lang pero pag tagal
Malalaman niyo rin ang sumatutal
Kung gusto niyong mapansin sige lang
Pero tandaang magka-iba ang nauso lang sa popular
Hoy 'di to madali boy 'wag niyo nga 'kong kini-kengkoy
'Di ko na rin kayo ka-lebel oy
Malaki na ang kaibahan
Kahit magtanong ka pa sa iba diyan
Basta may alam alam niya na yan
Diyos ko naman pag 'di pa inamin ewan ko na lang
Oh sige eto pa baka bitin
Ka pa sa mga naririnig mo ngayon
Ito yung tipo ng isang beses mo
Lang maririnig sa akin kada taon
'Di 'to para sa palakpakan
Gusto ko lang ipangalandakan
Na hindi lang ako pang-kalmahan
Na kantahan yun ang 'di niyo nalaman
'Yon lang ang ginawa kong hakbangan
Hanggang sa nagkapangalan
Habang yung ibang kunwaring nababawan
Ginagawa akong hagdanan
Ang daming nakulangan nahinaan
Kailangan ko pa yatang pakitaan
Kaso nga lang 'di na bali baka sa'kin
Pa madaming mayabangan
Di mahulaan yung tugma 'di lang sa dulo
May suntok pati sa gitna
Mula umpisa may pinu-punto 'to
Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to
Dahilan 'bat nawalan ng papel
Yung iba at 'yon ang totoo
'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpa-awat
Dire-diretso ang lakad patunay na
Mga paa'y sa lapag naka-tapak
Banat ng banat hanggang matupad
Lahat ng mga balak mapasakamay
Ang hindi ko pa hawak hanggang
Sa lumawak kasi nga gano'n naman talaga dapat
Sa dami nang pinakalat ay bakit
Ang dami pa din nasasabi na lait
Kung kami palagi ang hinahanap
Ng marami at sa'min sila lumalapit
Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit
Namin ay na-adik
'Di ka na dapat nagagalit kung 'di mo gustong makisabit
Oh gusto niyo ng flex sige ito pa yung next
Tignan niyo na lang kung sino yung nakaabante
Kita naman kung sino yung naka-dyamante
Daming nagkalat sa kalyeng feeling higante
Pero kapag umatake mas mabango pa yung tae ng elepante
Akala ko ba magaling bakit nandiyan parin
Tignan niyo na lang kami layo na ng narating
Mula nung kami'y dumating
Lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene
Nakita kasing iba yung nag-mamagaling
Sa tunay na magagaling