Panaginip (2023)歌词由Crazy As Pinoy演唱,出自专辑《Panaginip (2023)》,下面是《Panaginip (2023)》完整版歌词!
Panaginip (2023)歌词完整版
Panaginip (2023) - Crazy As Pinoy
Lyrics by:Lordivino M Ignacio/Muriel Anne F Jamito
Composed by:Lordivino M Ignacio/Muriel Anne F Jamito
Hey yeah oh oh
Ooh ooh ooh hey
Nagdidiwang na ang puso
Ko 'pag ako'y inaantok
Wala na 'kong pakialam
Kahit papakin pa ng lamok
Kahit mainit malamig
Basta't napasandal
Dire diretso na ang
Tulog kahit bumarandal
Well okay lang
Alam ko naman na
Magkikita pa naman
Tayong dalawa sa may tagpuan
Tayo lang ang may alam
Maramdaman na kahit
Minsan na ako'y iyong mahal
Subalit nagising na
Lang ako na meron
Nang sumasakal
Umaandar pa rin ang
Isip ko na kasama pa kita
Kahit sinasampal nila ako
Nakikita pa kita
Ano nga bang pinakain mo
Bakit patay na patay ako
Pati na nga trabaho ko
Napabayaan ko
Ipagtatapat sa'yo
Ikaw lang ang aking pantasya
Sagutin mo lang ako
Ililibot kita sa Asya
Buong hacienda
Ipapamana sa iyo
Okay na sana ang lahat
Bakit ginising mo pa ako
Kung panaginip ka lang
Ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin
Mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahal
Pagbigyan mo naman ako
Minsan na lamang hihiling
Pagkatapos naman nito
Patuloy kitang mamahalin
'Wag mo namang palampasin
Ang gabing ito nang 'di malinaw
'Paliwanag mo nang mabuti
Pero 'wag mong isigaw
Napahiyaw 'pagkat nangyari
Ang aking inaasam
Kahit medyo suntok sa
Buwan at least
'Di na manghihiram
Kay Ka Bunegro na may
Gawa ng matatamis na panaginip
Luluwang na ang paghinga
Ang puso'y 'di na maninikip
Pinapahigpit mo
Pa nga ang yakap
Ako nama'y tuwang tuwa
At ang milagro ngang
Ito sa isip ko
Walang wala
Binalewala ang mga
Kantsaw na 'di raw
Tayo nababagay
Ako mismo 'di makapaniwala
Na sa'kin ka pa bibigay
Pinagpalagay ko na lang
Ang lahat ay kaloob
Sa'kin ng Diyos
Kailanma'y 'di babastusin
Susundin lahat ng utos
Hanggang mapaos sa awitin
Sana nama'y iyong dinggin
At kung panaginip lang ito
Sana'y 'di na 'ko magising
Kung panaginip ka lang
Ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin
Lahat ng naisin
Lahat ng naisin
Mo'y aking ibibigay
Aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahal
Dapat ko lang tapatan
Taasan higitan nang walang hanggan
Pagmamahal na inalay mo
Lubusan kong tutumbasan
Sabihin mo lang sige lang
Sige lang bago tuluyang mabuang
'Di na nga makapaghihintay
Pahalik naman
Isa lang isa lang isa lang
Ha ha ha ha ha ha ha
He he he
Mababaliw yata ako
Sa tamis ng 'yong halik
Masasabik ako parati
Na ikaw ay makapiling
Pero this time baby
Ako'y nagising nagising
Nagising nagising
Na para bang duling
Para bang lasing
Na napraning
Sabihin mo lang kung
Sa'n patungo
Upang aking marating
Ang minimithi
Abot kamay walang wala
Ito sablay
Handang handa nang maghintay
Wala na sanang bibigay
Mamahalin hanggang buhay
Mamahalin kahit patay
Parang pilay na walang
Saklay kapag ika'y humiwalay
Mamamatay dahil sa'yo
Mabubuang dahil sa'yo
Mamamatay na lang
Ako kung panaginip lang ito
Kung panaginip ka lang
Ayaw ko nang magising pa
'Pagkat nadarama'y ligaya
Lahat ng naisin
Mo'y aking ibibigay
'Pagkat ikaw ay aking mahal
Ooo ha hahah
'Pagkat ikaw ay aking mahal
Hey yeah yeah hey yeah
Yeah hey hey yeah