Hakbang (Explicit)歌词由Dice 1ne&Art Weezy演唱,出自专辑《Hakbang (Explicit)》,下面是《Hakbang (Explicit)》完整版歌词!
Hakbang (Explicit)歌词完整版
Art Weezy (1st Verse)
Pagmulat sa umaga harap agad sa salamin
Pausok muna sandali tapos isip ng gagawin
Pangarap koy bubusugin hanggang sa akoy masamid
Mata koy nasa pyramid na sa iba ay di batid
Ang pananaw ko ay iba at walang kapareha
Kalmado na naglalakad sa gitna ng karera
Balot ng usok ang utak na ang laman ay pera
Subukan mang silipin may tiga ibang planeta
Balang araw ay yayabong din ang bawat tinanim
Mga dahong malago ay wag mo munang pitasin
Bawat bunga hinugin tamis ay hintayin
Sarap ng tagumpay pagkatapos himayin
Mas makabuluhan pang maging simple
Mas makabuluhan pang maging simple
Kase sa buhay walang imposible
Walang imposible
DICE 1NE (12nd verse)
Yung araw at buwan nagkapalitan halos kinalabit nang
Sarili kong antok na pinagpaliban
Pinag igihan hanggang mapasagot ang naiibigang
Mga tugmaan na gusto ko na magka halikan
Walangh pake sa kalendaryo at pagpihit
Nang orasan kesa sa maling tiyatro mapatirik
Leeg ang hasaan ko sa mga saradong isip
Yung iba ay talangkang naka apiran ko ang sipit
Sige pumara baba ka na po
Kung di ka para sa mga kayang makibunggo
Kung puro karang bano huwag dito makimundo
baka maging pataba ka saaming pinapalago
Sige luhod sa munggo habang pinagpapalo
Parang batang walang dala sa nais na matamo
Mga pangarap sa iba nasipat nang mata ko
Balang araw saaaking pagdilat ay magiging ako
ART WEEZY (3rd verse0
Mas piniling umilalim sa gitna nang mga ulap
Mangibabaw man ang sikat ng araw saaking pagsulat
Tanghali na kung mamulat madalas man na mapuyat
Pahiwatig kung saan di pa huli lahat para mamulat
Mga mata na ang kilay pasalubong
Yan ang palaging kaharap sa likod ng panibughong
ugali na kulay tutong malimit pang palatugon
Ang negatibong pananaw sa mga bagong pausbong
Susuportahan ngunit parang wala lang
Respetong binigay ang kapalit walang pag galang
Inisip kong lahat bakit ganun ang kapalaran
Dahilan yun para lampasan ang bawat harang
Ngayon sabihin mo sakin kung may tama ako
Hinanap ang sagot sa dilim ang isip tumatakbo
Wala to sa lalim ng katuwiran ng kababawan o
gusto ko lang gisingin ang tulog na kamalayan mo
DICE 1NE (3Rd verse)
Nauhaw man sa lakaran dahil bihirang patakan
Imbes mag init mas pinangarap ko pang magpaulan
Kapalaray makulitan at magbigay ng dahilan
Kung bakit di sayang ang pagtitiyaga sakin ng siyam na buwan
Nakipag basagan bumbilya sa era
laban sa mga bagong tasa lang ang patilya
Binusog ko na maging malaman na kada linya
Para sakaling magkaalaman ay merong tira
Lumaki kasabay ng mga pangarap
Tila kabute na sa hulyo a trese itinarak
Sa tabi kasabay ng mga palakpak ay nangarap
Na isang gabi pangalan ko naman ang inyong hanap
Kakapiga ang laman ng bungo nagmala Orga
giba ang dahilan para di na magpakasobra
Di na nagbakasyon panahon ay minaniobra
Upang ang ambisyon masipat ko na mala nostra