P1SO歌词由DMO X&DKTR JOE演唱,出自专辑《P1SO》,下面是《P1SO》完整版歌词!
P1SO歌词完整版
May Piso ako sa bulsa na handa kong ipusta
Pag wala ka raw piso tapos ka
Humanda ka sa husga, dusta at pang-aalipusta
Dahil kaya nitong bilhin ultimo ang yong kaluluwa
Dahil piso pang load at piso kada text
Piso ka da daan mo sa NLEX
Piso pang beer, piso pang yosi
May bagong labas na smartphone ngayon parang trip kong bumili
Piso pang-foodtrip, piso pang tropa
At piso pang share ko sa droga
Piso pang donasyon, piso pang abuloy
Piso pang regalo, may piso pang alay
Piso pang libre, piso kada kilo
Piso kada taas at rollback ng petrolyo
Ito piso para di kana magreklamo
At piso pa para areglado
Tapos mayroon kang batang makakasalubong sa daan manghihingi rin sayo ng piso
Piso pambayad ng tubig at kuryente
Piso pang date, pang chix, pang sine
Pisong kape, pisong mani, piso net
Pisong buwis at pisong pampahupa ng galit
Pisong binayad ko kay doc at atty, may pisong gantimpala
Piso pambili ng respeto at tiwala
Pisong baon, pisong pang-tuition
At isa pang piso pagdating niya ng graduation
At piso para sa mga koleksyon mong limited edition
May promo piso fare
Penge piso pamasahe ko sa job fair
Piso kada ihi 5 piso naman sa dumi, piso sa bago mong damit
Piso pang kolorete at piso pampagupit
Piso pang gatas, may piso na pampa-bwenas
Piso para sa minalas at piso para sa naisanla mong alahas
May Piso sa giyera
Ito ang pisong solusyon at dahilan ng problema
May sagana sa piso dahil may pisong namana
Habang yung iba magkakaroon nga ng piso anak ng tinapa pahirapan pa
At sino sa inyong nakakaalala, yung pisong kalabaw sa likod ni rizal
‘Yon yung piso na nung bata ako palagi kong sinasama sa dasal
Tapos meron akong kapitbahay nun ayaw nya ng piso gusto nya dolyar
Piso sa lupa, sa upa at piso pang amilyar
Piso pambigay sa magulang
At may pisong interes sa piso mong inutang
May pisong idinaan sa ilalim ng mesa
At pisong nakolekta sa misa
Tapos kanina may piso akong napulot
Bumiyahe ako ng jeep yung piso kong napulot nadukot
At wow! Tignan mo nga naman
Ang dami mong piso saan galing yan?
Baka naman, yung pisong para sakin, para sa kanya ikaw ang nakikinabang
Ngayon naisip mo na ba sakaling ang piso itong mawala?
Ikaw, paano ka magpaikot ng piso na may dalawang mukha?