Likod歌词由K-Leb&Og Sacred演唱,出自专辑《Likod》,下面是《Likod》完整版歌词!
Likod歌词完整版
Sa likod ng camera,aye! may dalawang uri ng mukha, aye!
Yun isa palagi masaya, laging nakangiti, subalit yun isa ay hindi mo mahahalata, aye aye aye
Onse anyos,ng lumisan ang ina,
Sa mura isip, pahirapan na agad makakuha ng saya,
Pag pasok, sa eskwela, binubully, ako lagi binubunot, ng mga kaklase kong amoy paa,
Kaya steady lang sa gilid, sulat, pantapal ko sa sugat,
Pasan pasan ko ang mundo sa mura kong balikat,
Humahustle na piso kada tula,
Pandagdag ng baon, para pag recess may pang nguya,
Hanggang sa nadiskubre ang musika,
Pwede palang lumikha, yung tinatawag nilang tatanga tanga,
Ngayon lodi yung engot, nag hihi ang mga bebot,
Sabay titili, gustong iuwi, hindi pwede,
Na mangyare, sabi nga sakin madalas ni ate,
Magmahal ka ng iisang babae, subalit nagkakamali din parang si adan,
Ilan lang to sa buto sa aparador ko na hindi niyo alam,
Sa likod ng camera,aye! may dalawang uri ng mukha, aye!
Yun isa palagi masaya, laging nakangiti, subalit yun isa ay hindi mo mahahalata, aye aye aye
kinse anyos ng maulila sa ama
madalas mas gusto mag-isa
durog sa loob habang buong humaharap sa kanila
nginingiti ng pilit ang
namumugtong mga mata
di alam hanggang kelan
mababanggit na kaya pa
ayoko nadin
kasi no'n mabuhay
o maging dagdag bigat
pa sa mga bitbit ni nanay
kaya mukhang matibay
kada tambay
hanap damay
pagpapakamatay
ang bawat pakikipag away
(sungay sa sungay)
masahol pa sa gubat
kung saan ako nagbuhat
sa lalim ng mga sugat
pinapababaw ang sulat
para di kagulat-gulat
sa mga di dun namulat
limitado lang ang ulat
at walang makakasukat
sa galaw sa ibabaw
at pagpapakumbaba
respetado sa ilalim
at mahal ng kaliwa
yung binago
kong ako para sa
gusto kong puntahan
ay di mo magugustuhan
makasalubong sa daan
Sa likod ng camera,aye! may dalawang uri ng mukha, aye!
Yun isa palagi masaya, laging nakangiti, subalit yun isa ay hindi mo mahahalata, aye aye aye