Konti Man Lang歌词由Jimmy Bondoc演唱,出自专辑《Jimmy Bondoc》,下面是《Konti Man Lang》完整版歌词!
Konti Man Lang歌词完整版
Konti Man Lang - Jimmy Bondoc
Nagdidilim na ba'ng langit natin
Ba't parang may ulang parating
Dumadalas na ang unos
Sa 'ting pagsasama
Mayro'n ba akong nagawa
Mayro'n ba akong
Nasabi na masama
Nagsasara na ba'ng ulap natin
Ba't parang 'di ka na sinlambing
Dumadalas na ang iyong
Biglang pagtahimik
At tumabang na ang 'yong halik
Matutupad ba'ng pangako mong pagbalik
At kung mayro'n ka pang hinahanap
Na hindi ko mabigay
Hingin mo lang hingin mo lang
At kung mayro'n naman akong hilingin sa 'yo
Bigay mo sana
Bigay mo sana
Konti man lamang kalinga
Konti man lamang karinyo at tiwala
At wala na 'kong hihingin pa
Konti man lamang kalinga
Konting paglingap
At konting paghanga
At di ko na aabutin pa
Ang tala
Ng laya
Pag 'di ka kasama kalayaa'y wala
Nagsisikip na bang mundo natin
Ba't laging paghingang malalim
Dumadalas na ang ating biglang pagsasawa
Nais mo na bang lumaya
Kung 'di ka malaya sa akin
Dapat na nga
At kung merong ka pang hinahanap
Na hindi ko mabigay
Hingin mo lang hingin mo lang
At kung mayro'n naman akong hilingin sa 'yo
Bigay mo sana
Bigay mo sana
Konti man lamang kalinga
Konti man lamang karinyo at tiwala
At wala na 'kong hihingin pa
Konti man lamang kalinga
Konting paglingap at konting
Paghanga
At di ko na aabutin pa ang tala
Ng laya
Pag 'di ka kasama
Kalayaa'y
Wala
Mahal pa rin kita
Kaya't di sana magwakas
Matulog muna tayo
At magmahalan
Bukas