Kapuso Sa Pasko歌词由Vehnee Saturno演唱,出自专辑《Awit Pasko Ng Kapuso》,下面是《Kapuso Sa Pasko》完整版歌词!
Kapuso Sa Pasko歌词完整版
Pasko’y sadyang dakila
Kung mayro’ng pangunawa
At may pag-ibig na laan sa kapwa
Pasko’y pagmamahalan
Sa puso at isipan
Diwa na di dapat makalimutan
Tayo’y laging magkaisa
Sa Pasko halina at magdiwang na
Pasko’y awitan nang buong saya
Ipagdiwang ng buong sigla
Ipagbunyi ang araw ng Pasko’t pagsilang Nya.
Di ba’t kapuso natin ang lahat kahit maging sino pa sya
Kapusong tunay sa pasko,
Pasko na kay tamis at kay ganda
Pasko’y laging pag-asa at tunay na ligaya
Yan and diwa na di matatawaran
Saan ka man pumaling
Pasko ay may awitin
Na ang hatid ay pag-ibig sa atin
Tayo’y laging magkaisa
Sa Pasko halina at magdiwang na.
Pasko’y awitan nang buong saya
Ipagdiwang ng buong sigla
Ipagbunyi ang araw ng Pasko’t pagsilang Nya.
Di ba’t kapuso natin ang lahat kahit maging sino pa sya
Kapusong tunay sa pasko,
Pasko na kay tamis at kay ganda
Maghunto-hunto kita at tayo’y magkaisa
Sabay-sabay nating ipagdiwang ang kaarawan Nya.
Mga away at tampuhan ay kalimutan na.
At sa puso natin tayong lahat magkaisa.
Mga tampo’y kalimutan na
Sa puso tayo ay magkaisa, magkaisa…
Pasko’y awitan nang buong saya
Ipagdiwang ng buong sigla
Ipagbunyi ang araw ng Pasko’t pagsilang Nya.
Di ba’t kapuso natin ang lahat kahit maging sino pa sya
Kapusong tunay sa pasko,
Pasko na kay tamis at kay ganda
Pasko na kay tamis at kay ganda….