Mula Ngayon歌词由Luis Enríquez演唱,出自专辑《Mula Ngayon》,下面是《Mula Ngayon》完整版歌词!
Mula Ngayon歌词完整版
Naaalala pa mga huli kong salita
Bago tayo tuluyang magpaalam
Kung paano kong sinubukan pang masuyo
Ang puso mong nagpakalayo
Sinabi ko sa ‘yo lahat ng nasa 'king puso
Patawad sa lahat ng pagkukulang
Ang sabi mo sa akin ay “salamat na lang,
damdamin mo'y walang patutung’han”
Ngunit bago magkawalay,
puso ko'y hindi mapalagay
Hindi mapigila't may isang huling tanong
na sana'y mabigyan mo ng tugon
Paano na ang bukas na hinangad nating dalawa
Ngayong ako'y iiwan mo, iiwang mag-isa
Paano na babangon kung ang araw ay wala?
Paano mabubuhay kung mula ngayon
(hoo)
Tanging nadarama pangungulila't pangamba
Hinahanap ang pag-ibig mo sinta (pag-ibig mo oh oh oh)
Gabi-gabi ninanais na makabalik
sa yakap mo't mga halik
Muling hinahanap ang kulay (ooh)
sa buhay kong puno ng lumbay (sa buhay ko)
Sana'y pagbigyan pa ng pagkakataon
Ang puso kong nag-aalab ang tanong
Tunay nga bang buhay ito
Kung wala ka na sa piling ko (oh oh)
(ooh) Hinahanap ang araw na papawi sa aking panglaw
Pasasaan mula ngayon,
bigyang sagot aking tanong
Paano na ang bukas na hinangad nating dalawa
Ngayong ako'y iiwan mo, iiwang mag-isa
Paano na babangon kung ang araw ay wala?
Paano mabubuhay kung mula ngayon
Paano mabubuhay kung mula ngayon
Paano mabubuhay kung mula ngayon
ako na lang?