Sarili歌词由Riva Ferrer演唱,出自专辑《Sarili》,下面是《Sarili》完整版歌词!
Sarili歌词完整版
Sa buhay na ito
Darating ang panahong gulong-gulo
At wala kang lugar sa mundo
Kundi sarili mo
Kundi sarili mo
Kahit anong pilit na lumayo
Lungkot sa sarili hinahabol mo
Hiling ko lang mapag-isa
Hiling ko lang ‘wag nang umasa pa
Hiling ko lang lumaya na sa sakit
Patawad…
Hahayaan na lang kaya
Na hindi malaman ng iba
Ang pinagdadaanang hirap sa pagsuot ng maskara
Ano pang magagawa
At kahit anong pilit muling magsimula
Lungkot sa sarili hinahabol ka
Hiling ko lang mapag-isa
Hiling ko lang ‘wag nang umasa pa
Hiling ko lang lumaya na sa sakit
Sarili…
Sa t’wing hatinggabi
Nilalamon ng isip
Ang kawalan ng pagmamahal na hanap sa iba
Ngunit dapat lang labanan
Ng puso ang isipan
Nasa akin lang pala ang kasagutan
Hiling ko lang 'wag nang mag-isa
Hiling ko lang pag-asang may bukas pa
Hiling ko lang lumaya na sa sakit
Patungo sa pagmamahal na ako lang makakagawa
Sarili, patawad…
Sarili, patawad…