Bukas歌词由Yohan Lugtu演唱,出自专辑《Bukas》,下面是《Bukas》完整版歌词!
Bukas歌词完整版
‘Pag Lunes, lahat ay nagmamadali
Unahan sa pila, mainit ang ulo
Ang daming masungit
Palakasan ng busina sa trapik
Palakasan kung nasa’n ka man
Martes, parang ang bagal ng oras
Binibilang ang bawat minuto, segundo
Hindi ito ang mundo ko
Hindi ako ang taong magpapaikot sa ‘yo
Miyerkules naghanap ng kaibigan
Katagayan, kakwentuhan
Ilabas mo na ang pulutan
Paabutin naman natin ‘to hanggang hapunan
Para magkalaman ang ating matabang tiyan
Huwebes, hawak ko ang aking gitara
Para gawan ka na ng kanta
Sabayan mo akong awitin natin
Ang mga paborito nating kanta
Kahit intro o chorus lang ang ating alam
Kahit intro o chorus lang ang ating alam…
Byernes sa wakas dumating ka na
Isa lang naman ang ayaw ko sa ‘yo
‘Yong monggo na niluluto ni Mang Kiko
Tumitibok, sumasakit talampakan ko
Tumitibok, sumasakit yung tuhod ko
Sabado, ilang araw din kitang hinintay
Kahit delay ang sweldo basta’t paggising ko
Ikaw ka’gad ang aking kapiling
Ikaw agad ang bubungad sa akin
Oohh yeah…
Linggo, masarap din ‘pag ikaw ay parating
Pero may halong lungkot dahil
Lunes na naman ulit bukas sa aking pag-idlip
Tara sabay na lang tayong pumikit
Haay…