Prinsesa歌词由Ezro演唱,出自专辑《Prinsesa》,下面是《Prinsesa》完整版歌词!
Prinsesa歌词完整版
Hindi mo lang alam ang nadarama
Sa tuwing nahihirapan ka nang huminga
Gusto kitang palayain
At pigilin ang damdamin
Hindi ko kaya na umiwas (iwas)
Paabutin pa ng bukas (bukas)
Gusto pa rin kitang kasama
Kahit na pagod ka nang tumawa
Kahit na pag-ibig natin ay puno ng drama
Oh, bakit ba gano’n
Tuwing gigising para bang sasabog ang Mayon
Almusal natin sigawan
Sa tanghali ang tugon mo sa akin sasampalin
Pagkatapos ay hindi kakausapin
Parang ang pag-ibig mo sa ‘kin ay napalayo
Kapag tumitig ang dugo’y kumukulo
Konting pagkakamali manggigigil na agad
Para kang leon yung galit mo sagad-sagad
Ano ba bakit ba gano’n lagi kang pikon
Para kang may sanib ang hilig-hilig mong bumulong
‘Pag minsan para tayong bida sa pelikulang madrama (yah, yah)
Away-bati parang si Popoy at si Basha (yah, yah, yah)
Magsusungit kapag ‘di mo nagustuhan
Yung dala kong pasalubong lalangawin na naman (hay)
Ano ba ‘yan bakit ang hilig mo ‘kong pagtripan
Tuwing gutom ako kaldero ay walang laman
‘Di na bale alam mo bang mahal kita
Kahit na gano’n ‘di nagbago ang nadarama
Gusto pa rin kita kahit magmukha akong tanga
‘Di ko kakayanin kung iiwan mo ‘kong mag-isa
Hindi mo lang alam ang nadarama
Sa tuwing nahihirapan ka nang huminga
Gusto kitang palayain
At pigilin ang damdamin
Hindi ko kaya na umiwas (iwas)
Paabutin pa ng bukas (bukas)
Gusto pa rin kitang kasama
Kahit na pagod ka nang tumawa
Kahit na pag-ibig natin ay puno ng drama
Ito na naman pag-uwi galing trabaho
Alam mo na pagod tuloy sa pagreklamo
‘Pag minsan ba naisip mo ako na tanungin
Kung kumain ka na ba pero ano hanggang ngayon wala pa rin
‘Di na bale basta ako'y kuntento na
Yung makita kang nakangiti ‘yan ang masaya (masaya)
Umupo ka muna do’n ako na ang maghuhugas
Magluluto, magpupunas, maglilinis hanggang bukas (yah, yah, yah)
Oh alam mo bang ikaw lang ang aking prinsesa
Kahit magsungit ikaw ang aking Cinderella (Cinderella)
Oh mahal kita kahit mahilig ka sa giyera
Konting tiis tabi na tayo sa kama
Puno ng drama ang buhay ‘pag kasama ka
Sa araw-araw ngingiti sabay tatawa
‘Pag minsan malungkot ‘pag kinibo agad galit
‘Pag minsan nga ay mapait at may luha na kapalit (kapalit)
‘Di na bale alam mo bang mahal kita
Kahit na gano’n ‘di nagbago ang nadarama
Gusto pa rin kita kahit magmukha akong tanga
‘Di ko kakayanin kung iiwan mo ‘kong mag-isa
Hindi mo lang alam ang nadarama
Sa tuwing nahihirapan ka nang huminga
Gusto kitang palayain (palayain)
At pigilin ang damdamin (at pigilin ang damdamin)
Hindi ko kaya na umiwas (umiwas)
Paabutin pa ng bukas (paabutin pa ng bukas)
Gusto pa rin kitang kasama
Kahit na pagod ka nang tumawa
Kahit na pag-ibig natin ay puno ng drama
Yah.. yah…
Ahh...