Akayin Mo ang Puso Ko, Thérèse歌词由Thirdie Prugalidad&May Laxamana演唱,出自专辑《Thérèse》,下面是《Akayin Mo ang Puso Ko, Thérèse》完整版歌词!
Akayin Mo ang Puso Ko, Thérèse歌词完整版
Mula sa kalangitan, samyo ng bulaklak
Sa mundo'y humahalimuyak
Pusong nalipos ng pag-ibig ng Ama
Ang sinisigaw:
Mahabaging Pag-ibig ng Ama
Koro 1:
Akayin mo ang puso ko, Thérèse,
patungo sa Ama.
Muling buhayin ang pag-ibig ko
na tila namanglaw
Sa tawag ng mundong mapagbiro.
Katulad Mo ay nais kong
ialay ang lakas at kahinaan ko.
Hayaan mong awitin ko ang himig na wagas
Tinitibok ng puso mo.
Awit ng dukhang sa pagdaralita'y
doon natagpuan.
Walang hanggang pag-ibig ng Ama.
(Ulitin ang Koro 1)
Ngayon aking natanto kung pa’no bang
umibig ang ialay ang lahat
kahinaan ko't lakas at sarili'y itaya.
Koro 2:
Akayin mo ang puso ko, Thérèse,
patungo sa Ama.
Muling buhayin ang pag-ibig ko
na tila namanglaw
Sa tawag ng mundong mapagbiro.
Katulad Mo ay nais kong
ialay ang lakas at kahinaan ko.
Coda:
Katulad mo ay nais kong
Ialay ang lahat
Kahinaan ko't lakas at sarili'y itaya.
Akayin mo ang puso ko, Thérèse.