Parang Panaginip歌词由Guddhist Gunatita演唱,出自专辑《Parang Panaginip》,下面是《Parang Panaginip》完整版歌词!
Parang Panaginip歌词完整版
Oooooh, hmm
Parang panaginip, ang lahat ng to,
diko din ma-isip kung san to hahantong,
laman ng isipan, minsan di kontrol
minsan na-iisip kung ba't naririto
Ooooooh
Ooooooh
daming pagsubok nitong tadhana
minsan parang di kaya, salamat parin bathala alam kong ako ay pinagpala mo
diko din ina-akala na dito lahat to hahantong, ngayon ko lang din napagtantong lahat ng to'y pinaghirapan ko
nagbunga kahit pano yung mga plano ko sa isipan, laging tapat tumrato mabuting tao at kaibigan, kahit dimo maibigan, di pagpipilitan kuntento na sa buhay ko at payapa ang isipan
Parang panaginip, ang lahat ng to,
diko din ma-isip kung san to hahantong,
laman ng isipan, minsan di kontrol
minsan na-iisip kung ba't naririto
Ooooooh
Ooooooh
minsan talaga di ganon na kadaling mabuhay, sa mundo na masukal, kailangan mong patnubay, kailangan mong masanay pumalag sa pagkabuhay kumalag sa pagkaposas at magsilbi kang patunay
na kaya mong suungin ang lahat, gano man kabigat ang kinakaharap, ika'y humaharap at di ka uma-atras alam mo ang palabas sa pinasok na landas
kahit na sobrang daming kalungkutan sa loob na yong bungo, dika humihinto, tuloy sa pagbuo, tuloy lang sa paghanap ng lagusan sa pangarap balang araw lalaganap ang hangarin mo na hawak
wag mag-alala
wag mag-alala
wag mag-alala
kasi nga, Parang panaginip, ang lahat ng to, diko din ma-isip kung san to hahantong, laman ng isipan, minsan di kontrol minsan na-iisip kung ba't naririto
Ooooooh
Ooooooh