Bawat Pintig歌词由Hangad&Shouri Lacson演唱,出自专辑《Bawat Pintig》,下面是《Bawat Pintig》完整版歌词!
Bawat Pintig歌词完整版
Bawat Pintig
INTRO: Ooh ooh ooh
KORO 1: Pag-ibig ko'y sa 'yo. Bawat pintig ng puso
Aking laan, sinta, ‘pagkat minamahal kita.
'Di na muling mag-iisa ‘pagka't ako'y narito na;
Hawak ko ang iyong kamay,
Kailan ma'y hindi mawawalay.
Sa hirap man o ligaya, sasamahan ka, sinta.
Sa pag-ibig ika'y umasa, hahawiin ang pangamba.
Lumipas man ang panahon, limutin man ang kahapon,
'Di kailanman magmamaliw pag-ibig ko sa 'yo, giliw.
Sa mundong walang katiyakan, sa 'yong pag-ibig mananahan.
Walang pag-aalinlangan, ikaw ang aking kapayapaan.
KORO 2: Pag-ibig ko'y sa 'yo. Bawat pintig ng puso
Aking laan, sinta, 'pagkat minamahal kita.
Lumipas man ang panahon, limutin man ang kahapon,
'Di kailanman magmamaliw pag-ibig ko sa 'yo, giliw.
'Di na muling mag-iisa 'pagkat ako'y narito na;
Hawak ko ang iyong kamay,
Kailan ma'y hindi mawawalay (mawawalay).
KODA: Kailanma'y hindi mawawalay.