(T)SUKI歌词由Decent演唱,出自专辑《We Are ’Decent’》,下面是《(T)SUKI》完整版歌词!
(T)SUKI歌词完整版
Napakaganda ng
Iyong pagkinang,
Diko maiwasang
Ika'y mapagmasdan.
Hindi mo ba natatanto
Nahuhulog na'ko sa'yo?
Ako'y nabibihag
Sa'yong mga sinag.
Iyong mga banaag
Napakaliwanag
'Di mo ba masagutan
Sariling palaisipan?
Ikaw ang ninanais ko,
Sinisikap ng puso ko.
Ikaw ang tanging hinahanap,
Ang kulang sa buhay ko.
Ngunit ikaw ang aking buwan
Sa gitna ng kalungkutan.
Pano mo nasabi 'yan?
Di mo ba nararamdaman?
Ikaw lang ang gustong makasama,
Sa gitna ng kawalan
Ngunit ikaw ang aking buwan
Sa gitna ng kadiliman.