Bunga’y Ikaw歌词由Nayubi演唱,出自专辑《Bunga’y Ikaw》,下面是《Bunga’y Ikaw》完整版歌词!
Bunga’y Ikaw歌词完整版
Bigla na lang na napadpad
Sa isang lugar kung saan ako ay
Wala ni isang kilala, tanging sarili ang dala
Mag-isa't tulala
Nagtataka sa pangyayari
Inaalala ang mga bagay na kanina ay narito lang
Ngunit bigla bigla na lang
Naglahong parang bula
Langit ay nagliwanag
Mukha mo'y naaninag
Pumikit, napaisip
Ikaw ba'y panaginip
Naglalakbay, naghahanap ng kasagutan
Sa mga tanong na
Bakit ako naririto sa tila kakaibang mundo
Na ikaw lang ang kilala
Bawat oras ay iniisip
Posible nga bang nakatadhanang
Ikaw ang siyang maging gabay
Sa akin na walang malay na mistulang naliligaw
Nagsilbi kang liwanag
Ikaw lang ang aninag
Pumikit, napaisip
Hindi ka panaginip
Nakaraa'y nilimot
Kasalukuya'y dulot
Sanhing 'di maalala
Na siyang ikaw ang bunga