DETERMINADO歌词由Radkidz&PABLO&Josue演唱,出自专辑《DETERMINADO》,下面是《DETERMINADO》完整版歌词!
DETERMINADO歌词完整版
DETERMINADO - Radkidz/PABLO/Josue
Composed by:RADKIDZ
Produced by:RADKIDZ
Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito
Kung determinado nga
Pero 'di naman makabasag ng plato
Dami nagtanong ba't 'to ang gusto
Tahakin na landas halika rito
Takbo ng utak ko ay malayo sa iyo
Maniobra palayo sa kakitirang 'yon
Kargado't napuno na rin ng galit 'to
Pero 'di ako magpapalunod sa lait niyo
Patuloy ang andar kahit na bali-baliko
Sa 'king daanan sumpang 'to ay mababali ko
Ano ba'ng sabi ko determinado
Walang makakapigil 'di terminado
Aking sentido bumabasag ng mga bungo
Heto na'ng huling bersikulong
Maririnig mo galing sa 'yong berdugo
Katumbas ako ng dalawa na ipo
Bawat suntok ay may bigat na mala-hippo
Kahit si Aeolus hindi ako mahipo
'Pag nag-dempsey roll bira mo'y sa anino
Musika lang aking bisyo ang natatanging ambisyon
Kahit anumang opinyon hinding-hindi malilipol
Lahat isasakripisyo hindi kailangang abiso
Ng kahit na sino heto na'ng aking pagsibol
Layunin kong iligtas ang nilalaman ng isipan ko
Sasapat na nga ba'ng lahat ng ito
Kung determinado nga
Pero 'di naman makabasag ng plato yeah
'Di ako isang anito
Ako'y 'di hamak lang na isang mortal nga na bagito
Apoy ko'y imortal 'di halintulad sa palito
Nagpapalit 'to ng anyo
'Pag nakipagbasag-ulo mga pabibo
Paniguradong matutusta tiyak sunog sa 'kin
Ako ang Prometheus ng musika tapos ka
Nagliliyab mga kutha 'gad magigising ka
Kapag sinindihan ko pa don't you drop the beat
Y'all can never take the heat
Determinado
Walang makakapigil 'di terminado
Aking sentido bumabasag ng mga bungo
Heto na'ng huling bersikulong
Maririnig mo galing sa 'yong berdugo
Balisa 'lang humpay sa paghuhukay ng mga tula
Sa bahay ng saysay parang tarantulang nalulumbay
Kahihintay ng pusang galang
Magtatangkang hamakin ang aking buhay
'Di mo maide-deny aking taglay
Kahit pa umabot ang paglakad ko ay pasuray-suray
Habang buhay maglalakbay
Patungo sa 'king pangarap
na kailan pa man ay 'di mamamatay
Hindi mamamatay laging mananalaytay
ang enerhiyang aking ibibigay
Baybay lang ang kayang silayan
'Pag ang puso't utak ay hindi magkaugnay
'Di ko kailangan ng lamay akin na nga 'yang tinapay
Tigilan mo'ng kakahukay lumayas ka sa 'king bahay
Kung isip ko'y 'di rin tunay
'Lang saysay magbigay pugay
Matagal na 'kong patay kung
'Di lang determinado ah ah
Ako ay determinado
Ako ay ako ay determinado
Determinado
Ako ang iyong berdugo