Maskara歌词由Dilaw演唱,出自专辑《Sansinukob》,下面是《Maskara》完整版歌词!
Maskara歌词完整版
Maskara - Dilaw
Lyrics by:Johnvie Delarosa Viloria/Leonard Obero
Composed by:Johnvie Delarosa Viloria/Leonard Obero
Produced by:Shadiel Chan
Iba't ibang anino
Pare-parehas ang anyo
Sari-saring kwartong
Bubukod sa isipan mo
Nasimot na ang yago
Hanggang kailan ka yuyukdo
Mula sa matakip-silim
Na maskarang ginamit mo
Magdiriwang sa silid nakapikit
Nakakubling magsasayaw
Wala ka nang matatanaw
Bawat padyak hatid ay ligaw
Lingid sa'yong mga mata
Madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila
Wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa
Hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata
Suot muli ang maskara
Tumatalukbong sa
Pekeng anyong
Mistulang pagong
Ang sarili kulong
Halong sagot at tanong
Ang bulong
Ng taong puti o itim
Ang barong
Magsusuot ng maskara
Karamihan sa kanila
Hahamakin ang isa't
Isa animo'y anino
Magsusuot ng maskara
Karamihan sa kanila
Hahamakin ang isa't isa
Animo'y anino niyang
Nagdarasal nangungumpisal
Magandang asal
Gawaing moral
Silang maraming daldal
Mga hinalal
Mga hangal
Nagbubulag-bulagan sa
Taimtim na buwan
Mga bula-bulaan nagsama
Sa isang dula
Wala ka nang magagawa
Mabubura ang maskara
Lingid sa'yong mga mata
Madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila
Wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa
Hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata
Suot muli ang maskara
Lingid sa'yong mga mata
Madilim o maliwanag
Balat kayo magkaila
Wala namang pinagkaiba
Balutin ang iyong diwa
Hayaan mo silang magtaka
Kapag hindi nahalata
Suot muli ang maskara