Pahimakas歌词由Roc-6演唱,出自专辑《Pahimakas》,下面是《Pahimakas》完整版歌词!
Pahimakas歌词完整版
Ikaw lang ang tanging kailangan
Wag munang magpaalam
Andami ko pang gustong sabihin
Ikaw lang ang tanging kailangan
At sana sa pagdating ng panahon
Ika'y muling makasama
Pasensya na't ngayon lang nakabisita
Wag isiping nakalimutan na kita
Galing nga ako kanina sa kapilya
Kung saan tayong una dalawang nagkita
Kumusta ka naman habang wala ako
Nakakain ka pa ba ng wasto
Naiinom mo po ba ang iyong mga gamot
Sa mga doktor bay hindi nagdadabog
Buti naman at ikaw nay napadaan
Sa totoo lang akoy lubos na nasasaktan
Dahil sa samut saring karamdaman
Pero tuwing ikay nandiyan
Nawawala ang lahat ng pagkabagabag
Muli kong natutuhang mapanatag
Isang araw lalakas ako'y lalakas at gagaling
Sa tulong ng bawat binigkas mo na panalangin
Aba Ginoong Maria at Ama Namin
Sapagkat siyay laging nakikinig
Nang may buong pagibig
Siya sa ating laging nananaig
Ikaw lang ang tanging kailangan
Wag munang magpaalam
Andami ko pang gustong sabihin
Ikaw lang ang tanging kailangan
At sana sa pagdating ng panahon
Ika'y muling makasama
Parang hindi ko na yata kaya
Ang sakit na to palala nang palala
Saking paghihirap gusto nang makalaya
Pakiusap ay parati mo akong maalala
Hindi bat tayoy may panata
Ikaw ang dadalhin sa dambana
Kaya wag kang magsalita ng masama
May bisa ang pananampalataya
Sa Bathala hawak ka sakin
Mahigpit kang kumapit
Saglit bakit parang kamay moy lumamig
Akoy tatawag ng mga doktor para lumapit
Luhay tumulo didib ay sumakit
Napaisip paanong aking daigdig
Ngayong wala na ang pag ibig
Ikaw lang ang tanging kailangan
Wag munang magpaalam
Andami ko pang gustong sabihin
Ikaw lang ang tanging kailangan
At sana sa pagdating ng panahon
Ika'y muling makasama
Talaga nga namang nakakabuwang
Mawalan ng iyong naging katuwang
Inom at yosi ang ginawa kong takbuhan
Di ko alam na ganito ang kahahantungan
Mula nang nawala ang kanlungan
Depresyon ay para bang kulungan
Sino bang nandyan para akoy tulungan
Lumipas ang mga araw sa kalendaryo
Dumaan ang anibersaryo ng yong pagyao
Maraming bagay na nagbago
Sa akin at sa buo kong pagkatao
Malamang ikatutuwa mo
Kaya ikaw man ay payapang namayapa
Hindi na kahit kailan mangangamba
Dahil alam kong sakin ay nakabantay ka
Bilang aking anghel dela guardia
Ikaw lang ang tanging kailangan
Wag munang magpaalam
Andami ko pang gustong sabihin
Ikaw lang ang tanging kailangan
At sana sa pagdating ng panahon
Ika'y muling makasama
Ikaw lang ang tanging kailangan
Wag munang magpaalam
Andami ko pang gustong sabihin
Ikaw lang ang tanging kailangan
At sana sa pagdating ng panahon
Ika'y muling makasama