Hoy Juan! (Explicit)歌词由Don Gab&Lasito Uno&Wild G&SAGG演唱,出自专辑《Hoy Juan! (Explicit)》,下面是《Hoy Juan! (Explicit)》完整版歌词!
Hoy Juan! (Explicit)歌词完整版
Chorus: (Don Gab)
Kailangang sampalin ka pa ba ng kapalaran
Para banggitin dapat mong maunawaan
Para sipag ay dalhin at ng mapaibabawan
'Di ka dapat 'andyan men kung 'san ang nakasanayan.
Dahil dito sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.
Sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.
Verse 1: (Lasito Uno)
Tara kilusan na natin para sating hangarin
Pa'no ka makakakain,
Kung puro ka dyan pahangin
Panay panalangin, sana magkaron ako nang ganto
Kung 'di ka rin tatayo walang mangyayari sayo.
'Di mo ba na halata
Kain, tulog, walang nagawa
Hanggang kailan ka pa kaya
Sa buhay mo magiging pabaya?
Nakapirmi sa tahanan,
'Di ka nila babayaran
Kapatid wag mo hayaan
Sampalin ka ng kapalaran.
Kung pangarap mo'y 'di mo tutuparin
'Di ako bilib sayo yan ang itanim
Mo sayong kokote, tinubuan ng kamote
Nung umulan nang kabobohan 'di ka nag kapote.
Payong kapatid
Matinding paalala,
Kung gusto mong makatawid
Wag kang tulog mantika
Bawal ang tatamad tamad sa panahong 'to halika
Sabay natin tutuklasin ang 'di mo pa nakikita.
Chorus: (Don Gab)
Kailangang sampalin ka pa ba ng kapalaran
Para banggitin dapat mong maunawaan
Para sipag ay dalhin at ng mapaibabawan
'Di ka dapat 'andyan men kung 'san ang nakasanayan.
Dahil dito sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.
Sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.
Wild G:
Sige ihakbang mo ang mga paa sa burak
Wag hayaang tumakbo ka lang at tumutulak
Dyan ka malululong, sapagkat 'di yan ang lunas
Wag mo tabunan ng bato, ang liwanag ng iyong bukas.
Dahil pag nalowbat balik sa kinahiligan
Binabalikan parang kambing na pinapaitan.
Kapag napag initan sa gramong di mapigilan
Sa lamay ang yong bagsak, sa impyerno mo pagsisihan
'Di pa huli kaibigan, harapin ang kapalaran
Mag umpisa ka hanggang sa makamit mo ang hangganan.
Kung matalo man, ay ituloy mo lang ang laban
Sa buhay mananalo ka lalo na't pinaghihirapan.
Ganyan ang kapalaran wag asahang madali.
Madadapa, masusbsob, madarama pag kasawi
Bumangon ka at hukayin ang tagumpay na binhi. Pagkalugmok mo sa buhay ikaw ang siyang mismong sanhi.
Chorus: (Don Gab)
Kailangang sampalin ka pa ba ng kapalaran
Para banggitin dapat mong maunawaan
Para sipag ay dalhin at ng mapaibabawan
'Di ka dapat 'andyan men kung 'san ang nakasanayan.
Dahil dito sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.
Sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad...
Sagg:
Yow Bawal ang tamad sapagkat makikita ang lahat paghinde ka tinamad,
Hinde sapat, kung hinde ka lilipad ng sagad
Balewalain ang init na lumalapat sayong balat
Pagkat walang pangarap na nayakap kaagad
Sumagad hanggang sumasadsad, ok lang resulta'y 'di agad
Ang ambag ng pagod balang araw, makikita ang resultang nilalapag sa hapag
Pumalag sa hamon ng buhay ,
Tumulay sa tulay, sumabay wag kang umaray, wag kang bibigay,
Sarili ang sagot kung kakampi o kaaway
'Di mo makikita kung nakatakip sa muka ang kamay
maging positibo sa lahat
Negatibo'y wag hayaang sumalat,
Sa taas ang lahat ng sagot
Magtiwala sa kanya at ang lahat malalasap.
Chorus: (Don Gab)
Kailangang sampalin ka pa ba ng kapalaran
Para banggitin dapat mong maunawaan
Para sipag ay dalhin at ng mapaibabawan
'Di ka dapat 'andyan men kung 'san ang nakasanayan.
Dahil dito sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.
Sa laro bawal ang tamad,
Bawal ang tamad.
Tyagain na patsiin mapabarya man o lapad.