Medyas歌词由Joema Lauriano演唱,出自专辑《Medyas》,下面是《Medyas》完整版歌词!
Medyas歌词完整版
Medyas - Joema Lauriano
Lyrics by:Joe Mark Ron Lauriano
Composed by:Joe Mark Ron Lauriano
Arranged by:Marc Chester Taberna
Produced by:Archie ‘FRNCHZ’ Malate
Parang kailan lang itong ating buong taon
Ber months sa naman ang bilis ng panahon
Makakakita ka na ng Christmas lights sa kalsada
Naglalakihang Christmas tree tsaka parol na magaganda
Pero teka teka teka teka lang wait muna
Meron sabi-sabi raw ang mga matatanda
Na 'pag nagsabit ka raw ng medyas may regalo ka
Pwede ka na bang hilingin kay Santa
Aantayin kita sa bintana
Mag-aabang ako mula gabi hanggang umaga
Dahil Pasko naman maaari bang pagbigyan
Minsan lang naman kung pwede sana'y pakinggan
Merry Christmas Santa pakibalot po siya
Malaking medyas sa bintana naisabit ko na
Merong maliit 'yun na kampana tsaka may ilaw pa
Thank you thank you sobrang bait ninyo
'Lam kong malabo ang gan'to
Nagbabakasali lang kasi Pasko
Baka pwede lang naman na ako'y mapakinggan
Kahit 'la nang hamon sa 'ming hapag-kainan
Wala akong pake sa thirteenth month
She's the only bonus that I want
Baka lang naman baka lang naman
Baka lang naman baka lang naman
Ooh nga pala teka teka lang wait muna
Meron sabi-sabi raw ang mga matatanda
Na 'pag nagsabit ka raw ng bagwa ay may blessings ka
Naka-dalawang pampaswerte na 'ko
Kasi malamang napaka-desperado
Sana lang maging epektibo
Aantayin ko na lang ang pagdating mo
Dahil Pasko naman maaari bang pagbigyan
Minsan lang naman kung pwede sana'y pakinggan
Merry Christmas Santa pakibalot po siya
Meron na akong naihandang bagwa naisabit ko na
Sa pintuan naka-bandera nasa taas banda
Thank you thank you sobrang bait ninyo
Merry Christmas Santa pakibalot po siya
Malaking medyas sa bintana naisabit ko na
Merong maliit 'yun na kampana tsaka may ilaw pa
Thank you thank you sobrang bait ninyo