Magaan歌词由Sean Lacuna演唱,出自专辑《Magaan》,下面是《Magaan》完整版歌词!
Magaan歌词完整版
Sinunog mo na ba
Ang letrang aking
Iginuhit sa ’yo at sa iyo lang
Nagmarka ba ang guhit
Sa sulit na panahong tayo lang
Dalawa ang nakakaalam
Nagniningas at sariwa
Ang pagmamahalang nagwakas
Na tila kahapon lang
Umiiwas, nanghihina
Dahil may tinatagong bakas
Ng kahapon na
Lihim na liham sa lalim ng aking
Damdaming ubos na ang tinta, tinta, tinta
Mga daliring dali-daling nangalay
Sa pilit na pagsulat sa ‘yo
Namulat na ‘di na ako ang nagpapasaya
Magaan ang pakiramdam
Bakit ka pa susulatan at paglalaanan ng oras
Kung sana sa akin na lamang
Kung ‘di ko na rin naman ramdam
Ang halaga ko sa ‘yo
Magaan, pagaan
Gagaan din ang pakiramdam
Kita sa mga kiliti kahit isang ngiti
Hindi mo magawang isingit pa
Pagaan, gagawan ng paraan
Para limutin ang nakaraan
At kalimutan kang tuluyan
Sa mga lihim na liham
Pagaan, daraan din ang dagok na pinagdaraanan
At magmamaliw sa karagatan
Umaalon
Umaalon pabalik ang panahon na ibinaon
Ibinaon sa buhangin ng dalampasigang sang-ayon
Na ayon sa dakong damdaming lumaon
Padaong, padaong na tayo
‘Di na kailangan pa ng
Lihim na liham sa lalim ng aking
Damdaming ubos na ang tinta, tinta, tinta
Mga daliring dali-daling nangalay
Sa pilit na pagsulat sa ‘yo
Namulat na ‘di na ako ang nagpapasaya
Hmm...
Lihim na liham
Aking damdamin
Hmm…