Senaryo歌词由Adie演唱,出自专辑《Senaryo》,下面是《Senaryo》完整版歌词!
Senaryo歌词完整版
Senaryo - Adie
Lyrics by:Adrian Garcia
Composed by:Adrian Garcia
Arranged by:Adrian Garcia/Franz Sacro
Produced by:Adrian Garcia/Franz Sacro
Ako ngayo'y nakapikit
Samu't saring mga bagay ang naiisip
'Di mapigilan ang sarili na maghangad
'Di sa tinatamad
Ito ang aking paraan upang agad-agad
Na maranasan ang iba't ibang karanasan
Ako'y nalilibang sa gan'tong gawi
Ako'y nauuwi sa labis na pagngiti
'Lagi na lang ganito
Kailan kaya magpapakatotoo
Sa nararamdaman ng aking puso
Sa panaginip 'laging naiinip
Hindi mawari laman ng isip
Kada susulyap 'laging may hadlang
Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya
Hanggang hanggang hanggang
Kailan ba 'ko maglalaan ng oras
Sa kakaisip ng mga senaryo
Hmm
Ipinagkait ng sansinukob
Mga tanyag ba na maari kong maging sagot
'Di 'pag nababagot
Ibabaling na naman sa pagsuot
Ng mapanlinlang na imahinasyon
Sa palaisipan walang puhon
'Di maiwasan kahit pa na labanan
Makakailan pa bang
'Lagi na lang ganito
Sana'y mga gusto'y maging totoo
Sa takdang panahon
Ako'y makakaahon din
Sa panaginip 'laging naiinip
Hindi mawari laman ng isip
Kada susulyap 'laging may hadlang
Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya
Hanggang kailan ba 'ko
Magpapauto sa sariling mundo hanggang hanggang
Kailan ba 'ko magpapauto sa sariling mundo
Oh-oh-oh whoa-oh
Kailan ba 'ko magpapauto sa sariling mundo